Chapter 26

153 4 0
                                    

CHAPTER 26

Hey! Hooray! It's Valentines Day!! Hoho!!

Yieee ang saya ko! Sa lahat kasi ng occasions, ito ang favorite ko. Inuulan kasi ako ng gifts and flowers every year kapag ganitong araw. Tignan niyo ngayon, tutung-tong pa lang ako sa gate ng campus, andami ng nag -aabang na mga lalaking may dalang bouquet of flowers, mga teddy bears, chocolates, letters, heart pillows, at iba't-ibang gifts. Hindi naman sa pagmamayabang ah pero... akin yun lahat. Haha! May mga banners pa nga dito eh na puro 'Happy Valentine's Day', 'I love you Aira', 'Will you be my girl?' ang nakasulat. Kung saan-saan ko nakikita, sa stage, sa hallway, sa terrace, sa hagdan at kahit san ako tumingin na may iba't-iba pang gimik na obvious na pinagkagastusan. May humaharana kasama ang sikat na banda, may nagsasaboy ng roses sa tuwing dadaan ako, may umorder ng libu-libong flowers para lang iform ang pangalan ko, may umarkila ng isang grupo ng choir at orchestra, meron pa ngang gumawa ng video at slideshow eh at madami pang iba... Sa lahat ng mga nakikita ko, isa lang ang masasabi ko, AKO NA TALAGA, GANDA KO SOBRA :)

Oh well, balewala lahat ng yan dahil sa iisang lalaki lang naman ako sumasaya. At kahit meron o wala man siyang effort na ganyan, siya pa din ang pipiliin ko.

Haaayy... Sweetheart ko, sayang nga lang at mamayang gabi pa kita makakadate. Pesteng V kasi to eh, ayaw pang mainlove sa akin nahihirapan tuloy ako. Oo! Napag -usapan namin ni Mark na mamayang gabi na lang kami magkikita at uunahin ko munang idate tong bading na to.

@School

As usual, tumabi ako kay V kahit asar na asar siya sa akin.

"Pwew! Kakahaggard yung mga boys! For sure sa bahay din mas madami pa akong matatanggap. Ayoko tuloy munang umuwi... " comment ko sa sarili ko habang nagpapaypay at inilalapag sa table ang napakadami kong natanggap na flowers at gifts. Hindi ko pa nga nakukuha yung iba eh, dalawa lang kasi kamay ko kaya later na lang yung naiwan dun sa baba. Bigla namang sumabat tong inggiterang baklang katabi ko dahil sa sinabi ko at sa mga nakita niya.

"Halaaaaa... kala niya ang ganda niyaaa... if I know, binili mo lang yan para sa sarili mo kasi alam mong walang magbibigay sayo! Panget ka kasi! Kawawa yang pera mo! Niwawaldas mo para lang magyabang =____= " sabi niya. Huwow! Bilib ako sa kanya... pinagdudahan ba ang beauty ko?

"At sino sa palagay mo ang maganda? Ikaw? Oh bakit walang nagbibigay sayo ng flowers? Baka naman sarili mo sinasabihan mo... "

"Di ko kailangan ng ganyan para patunayan kong maganda ako! Kayabangan lang yan, kala mo naman kung sino kang maganda. Natalo ka nga sa Mr. & Ms. Rosenweig International School eh! "

"Duh! FYI lang hah, nanalo ako ng first runner up! "

"Eh bat di mo nagawang magchampion kung maganda ka talaga? "

"I want to give chance to others. It's so tiring kung palagi na lang ako ang title holder, that's all. You know, I don't have to explain it to you... " sabi ko na lang tas umayos na ako ng upo.

"Okay, wala din naman akong paki dyan sa mga bagay na yan. Tama lang na tumahimik ka, kakarindi ka na eh. " sabi niya. Ngumuso na lang ako, nga pala... kelangan kong controlin ang ugali ko kasi kung makikipagbarahan lang ako sa kanya at hindi niya mafeel na mabait ako, mukhang mahihirapan akong paibigin siya agad. Nagmamadali pa naman akong matapos na to para kay Mark.

"Ay... V, wala kang kadate ngayon diba? Pwedeng ako na lang? " sabi ko bigla. Bigla naman siyang lumingon sa akin na diring -diri.

"Nung palagay mo sa akin? Syempre meron! Maganda ako eh. At kung wala man, mangarap ka na lang na ikaw ang gusto kong idate. Kadiri ka! Eeeww. Eeww.. Eewww!!! " sabi niya tas nangisay pa.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon