EPILOGUE

217 5 1
                                    


EPILOGUE

AIRA'S P.O.V.

Sa mga naranasan ko sa buhay, may dalawang salita na talagang tumatak sa akin.

"The more you hate, the more you love." - Sherna.

Yan ang sabi ng kaibigan kong sexy noon. Siya naman diba lagi ang mahilig mag-iwan sa akin ng word of the day diba? Naaalala niyo ba dati nung sabihin niya sa akin yan? Hahaha! Totoo pala yang quotes na yan. Naniniwala na ako, kasi ganyan yung nangyari sa lovestory namin ni V. Noon nga hindi ako naniniwala sa love diba? Bitter ako noon kasi para sa akin, lahat ng lalaki walang kwenta. Kagaya ni Kuya Jong at yung biological father ko. Kaya sinabi ko talaga sa sarili ko na hindi ko i-iinvolve ang sarili ko sa ganyang bagay. Ang maganda pang gawin, maghihiganti na lang ako sa kanilang lahat. Kaso mapaglaro si tadhana eh, kahit anong pilit kong umiwas pati ako dinamay sa lab-lab na yan. Sa pinaka ayaw ko pang tao ako nainlove. Pero alam niyo kung anong natutuhan ko sa love? Kahit gaano mo pa kaayaw ang isang tao, kung makakaramdam ka nito, mare-realize mo kung gaano kablessed na nakilala mo siya. Oo, masakit magmahal. Nakakabaliw. Nakakaiyak. Nakakatanga. Pero itong bagay ang pinakamagpapasaya sayo. Kapag nahanap mo na yung true love mo, masasabi mong wala ka ng ibang mahihilang pa.

"Sa larong pag-ibig, kung sino ang unang magtapat ng feelings, siya yung talo. Pero para sa akin, mas talunan yung taong huling umamin dahil bumigay siya at nagawang mahulog din sa taong yun."

Yan naman yung pangalawa. Yan ang mga sinabi ko kay V noong umamin ako sa kanya diba? Para talaga sa akin totoo yun. Kasi sa larong pag-ibig, kung ayaw mong matalo, dapat matibay ang puso mo. Kailangan may mga bakod na nakaharang para hindi ka bumigay. Patibayan lang naman yan diba? Kapag nagkagusto ka sa isang tao, wala kang kasiguraduhan kung gugustuhin ka din niya kaya karamihan sa atin, kapag nakaranas ng ganyan, kinikimkim na lang. Pero sa case naming dalawa ni V, kahit alam kong matagal na niya akong mahal, naduwag pa din ako sa pag-amin sa sarili ng feelings ko sa kanya. Natakot kasi ako eh, na baka niloloko niya lang ako. Na baka hindi naman niya talaga ako gusto at kaya sinasabi lang niyang mahal niya ako dahil dati sinaktan ko siya. Natatakot din ako na masaktan ulit kasi nasaktan na ako nung una. Marami akong kinatatakutang mangyari kaya hindi ko nagawang aminin kaagad sa sarili ko na mahal ko talaga siya. Pero ika nga ng kapatid kong si Loren noon, magiging masaya lang ang isang tao kung ile-let go niya sa puso niya ang takot. At tama siya, para ma-achieve mo yung hinahanap mong kaligayahan, kailangan mong harapin lahat ng takot mo. Wala namang masamang magtry eh. Kung masasaktan ka, worth it pa din dahil at least, hindi mo na pinatagal pa yung mga panahon na dapat nagmomove on ka na. Isa pa, dahilan yun ni God para mahanap mo kung sino talaga ang taong para talaga sayo. At kung mahal ka din niya, edi mas maganda! Hindi mo malalaman ang kasagutan sa mga tanong mo kung hindi mo talaga ita-try diba?

At alam niyo ba kung sino yung biggest loser sa buong mundo? Hindi yung taong unang umamin sa nararamdaman. Hindi rin yung taong huling umamin ng feelings. At mas lalong hindi yung mga taong matataba na wala ng pag-asang pumayat dahil hindi nagwo-workout.

Ang pinakatalunan na tao sa mundo ay yung hindi nagawang sabihin lahat ng nararamdaman niya sa taong mahal niya. Yung mga taong naghihintay lang ng himala o yung tinatawag nilang 'Abangers'. Walang puwang sa mundo ang mga duwag. Dapat sa mga taong ganyan, tinutuligsa at pinapatay hanggang sa mawala na silang lahat. Takut na takot umamin, malay mo mahal din naman pala siya ng taong mahal niya yan tuloy napunta pa sa iba. Pag-ibig na nga naging bato pa. Kaya para sa mga taong ganyan, eto lang masasabi ko sa inyo.

"Day! Ano pang hinihintay mo, pasko? Amin-amin din pag may time!"

At para naman sa mga pabebe/paasa/ manhid/ tanga/ bulag, eto naman ang sa inyo:

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon