Chapter 123

80 1 0
                                    

CHAPTER 123

Kinabukasan.

-Kring kring-

"Yes, hello? Who's this?"

"Uhmmm... Good Morning po. Loren Asuncion po, pwede po kay Jessie J?" tanong ko.

"Oh!!! Loren! Ikaw pala yan! Buti napatawag ka!" tuwang tuwang sabi nung kausap kong nasa kabilang linya.

"Uhmmm... Jessie J..." sabi ko sa kanya.

"Yeah, speaking. How may I help you?"

"Napag-isipan ko na kasi yung inaalok mo sa akin eh. "

"Really? So ano? Anong sagot mo? Payag ka na?"

"Oo. Payag na akong mag- audition sa monday. " sabi ko.

"KYAAAAAAHHHH??! DI NGA?!!" bigla naman siyang tumili sa sobrang tuwa kaya halos mailayo ko yung hawak kong phone sa lakas ng boses niya.

"Opo. Desidido na ako, kelangan ko talaga ng pera pampagamot kay nanay."

"Oh my gosh! Oh my gosh! Loren, you made the right choice! Congrats! Kahapon ko pa talaga hinihintay ang tawag mo kaya tuwang- tuwa ako ngayon na pumayag ka. Wala ng bawian ha! Walang atrasan! Pumunta ka sa monday ng 2:30 p.m. sa EBS network hah. Magkita tayo. And promise me, ikaw ang makakakuha ng lead role, okay?" sabi niya.

"Okay po. Monday, 2:30 o'clock in the afternoon, sa EBS network. At pinapangako ko po sa inyo na kukunin ko yung role na yun. " sabi ko.

"Yan! Ganyan nga! Gusto ko yang fighting spirit mo! Goodluck sa monday hah, start practicing na kung paano magpakilala at konting acting para sa audition mo hah. See ya!"

"Okay. Bye!" sagot ko.

--

Monday.

"HUWOW! Grabe, ang haba ng pila!" sabi ko kay Jessie J nung makapasok kami sa loob ng room ng audition. Nagulat nga ako eh, ganito pala mag audition, pahirapan. Nakooo... Kelangan ko talagang galingan mamaya kundi sayang ang effort.

"Ganyan talaga besh, tiis-tiis lang. Kasi kapag nasungkit mo ang tagumpay mamaya, worth it lahat ng hirap at pagod mo." sabi naman niya sa akin.

"Pero... Hindi naman tayo sigurado kung makukuha ko yung lead role eh. Baguhan lang ako, wala akong pangalan. Wala din akong experience sa pag-acting. Marami pa akong dapat matutunan. Pero tignan mo naman yung mga kasama kong nakapila. Ang daming mas magaganda pa at yung iba mga artista na rin at matagal na silang master sa pag- acting. Siguradong sila yung mapipili. " malungkot na sabi ko.

"Eh ano pang ginagawa natin ngayon dito kung sumusuko ka na ngayon pa lang? Bakit pa tayo nagpapakahirap pumila kung hindi malakas yang loob mo? Tara halika umuwi na tayo!" pagalit niya sa akin sabay hinila na ako para umalis. Hindi naman ako nagpahila kasi meron ding part sa puso ko na gustong tumuloy dito. Kasi iniisip ko si nanay. Siya yung dahilan ko kung bakit ko pinasok tong pag-aartista kahit ayoko.

"Oh? Ayaw mo din diba? Bakit, kasi gusto mo rin na mag- auditon!" comment niya nung mapansing hindi ako sa kanya nagpahila. "Alam mo Loren, kung matatakot ka, talagang hindi ka magtatagumpay. Wag kang kabahan kung alam mong may ibubuga ka. Eh ano naman kung maraming magagandang mag-aaudition din dito? Maganda ka din naman diba? At ano naman kung marami ka ding kalaban na artista? Hindi sa lahat ng panahon, puro sila lang ang nabibigyan ng spotlight. Minsan, ang mga baguhang katulad mo ang nagkakaroon ng break. Idaan mo na lang sa pagalingan! Dyan kayo magkakasubukan. Kung magaling ka, wala yan sa fame dahil matatalbugan mo silang lahat. " pag eencourage pa sa akin ni Jessie J.

"Okay, gagalingan ko. Pero in case na hindi ko makuha yung gusto mo, sana wag kang magalit sa akin ah. Gagawin ko naman yung best ko eh. " sabi ko sa kanya.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon