Chapter 82

111 5 1
                                    

CHAPTER 82

V'S P.O.V.

-Tiktilaok tiktilaok-

Nagising na lang ako kinabukasan, umaga na. Grabe, hindi ko pa minumulat yung mata ko, nararamdaman ko na yung sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari kagabi?

Hindi pa ako tuluyang nakakamulat ng mata, bigla akong nakaramdam ng isang bagay na gumalaw sa tabi ko. Tapos, biglang may pumatong na mabigat sa bandang tyan ko kaya naman binuksan ko na kaagad yung mga mata ko. Pagkatingin ko, nakita kong may kamay na nakayakap sa akin.

O___O

Teka, kaninong kamay yan? Lumingon kaagad ako sa gilid ko para malaman kung kanino yung kamay na nakapatong sa tyan ko. Pagkatingin ko, nagulat ako ng makita ko sa tabi ko si Aira na tulog na tulog pa din hanggang ngayon.

O_____O

WAAAAAAHHH!!!! TEKA? BAKIT MAGKATABI KAMING MATULOG NITO?

Sa sobrang gulat ko, matic na napabangon ako mula sa pagkakahiga. Napwersa pa nga yung ulo ko eh, lalo tuloy sumakit. Bakit ba kasi kami magkatabi ni Aira sa iisang kama? Tumingin ako sa paligid... hindi ko kwarto to, bakit ako nandito sa kwarto niya? Anong ginagawa ko dito? Gulong -gulo ako... <(>o<)>

Ano ba ulit kasing nangyari kagabi???

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

O______________________O

WAAAAAAAAAAAAAAAHHHH??!!! NAALALA KO NAAAAAA!!!

TEKA. TEKA. TEKA. TOTOO BA TONG NAAALALA KO O PANAGINIP LANG LAHAT?

EH BAKA NAMAN KASI NAGKAKAMALI LANG AKO?

PERO BAT GANITO? SOBRANG LINAW NG MGA NAAALALA KO EH. PARANG TOTOO LAHAT.

Kaagad akong sumilip sa katawan kong nasa ilalim ng kumot. Walang duda, may nangyari nga sa aming dalawa.

"Hala. Patay. " bulong ko sabay nasampal ang sarili ko at tumungo na lang sa mga tuhod ko sa sobrang pagkaproblemado.

Kaya pala ang sakit ng ulo ko, may hangover ako dahil sinamahan kong uminom si Aira. Kaya pala nandito ako sa kwarto niya... Kaya pala magkatabi kami sa iisang kama..

KASI MAY NAGYARI SA AMING DALAWA KAGABI!

Juice kupu. Ano nang gagawin ko nito? Siguradong papatayin ako ni Aira mamaya pagkagising niya! Haaayy ang tanga ko talagaaaa!!!! Bat ba kasi ako nagpadala?! Bad trip! Paano na to? Lord!! T^T

"Hhhmmmm... anu ba... wag ka namang malikot dyan... natutulog yung tao eh... " mahina at medyo husky pang sabi ni Aira sabay ipinatong pa ang paa sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Pagkatingin ko, ayun siya, naalimpungatan yata dahil sa kalikutan ko kaiisip ng solusyon. Pero hindi pa niya magawang maimulat ang mga mata. Pero ilang saglit lang, dumilat na siya tapos bigla -biglang bumangon na parang gulat na gulat at parang may narealize na kung ano. Yan tuloy, gaya ko, napwersa ang pagbangon kaya lalong nanakit ang ulo bunga ng hangover. Hinilut-hilot pa nga niya yung noo niya pero hindi niya na inalintana yung sakit ng ulo niya at tumitig na lang sa akin ng matagal na para bang may inaalala siya.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon