Chapter 10

242 3 0
                                    

CHAPTER 10

Bumalik na lang muna ako sa room para kunin ang mga naiwan kong gamit. Pagpasok ko doon ay wala na palang ibang natirang estudyante kundi si Mark. Nakita ko siyang relax na relax na nakaupo sa upuan na para bang may hinihintay. Oh well, dinedma ko lang siya at kinuha ang bag ko para makauwi na.

Oooopppss... ayoko nga palang umuwi, kasi baka kung ano na namang gawin sa akin ni Kuya Jong. Pero panu yan? San naman ako pupunta? Hindi naman free ngayon sina Loren at Sherna dahil may sari-sarili silang mga lakad. Ayoko din naman sa ministop dahil yung poging instructor na sinisilayan ko lagi, wala siya tuwing ganitong araw. Inaaya ko namang makipag date sa akin si V kanina, pero nilayasan niya  naman ako. 

Haaayy, mukhang sa bahay na nga lang talaga ako! Ayaw!! >_< Panu na to? San ako pupunta?  

"Do you really want to go home right now? " nagulat naman ako ng bigla niya akong kausapin kaya lumingon ako. Siguro kasi napansin niya na napatigil ako sa pag aayus ng gamit ko. "Let's go somewhere Aira, please accompany me for a while :) " dagdag niya pa. Hindi ako sumagot at sinabit na lang ang hand bag ko sa arms ko sabay naglakad paalis. 

Anong sinasabi niya? Oo, ayoko umuwi. Pero may magagawa ba siya dun? Wala naman diba? 

Hahawakan ko na sana ang door knob para buksan ang pinto pero hinarangan niya ako. 

"Hinintay pa man din kita dito, tapos tatalikuran mo lang ako? *pout*" sabi niya sabay pout. Gosh, wag ka ngang magpacute! Di ako nadadala promise! >.<

"Anong bago dun? Lagi ko naman ginagawa sayo to ah. Wag mo na harangan ang pinto, aalis na ako. " sabi ko. 

"No. " he answered while shaking his head. "Please stay here with me. "

"I'm Sorry. But I don't have time for you so can you please get out? You're blocking my way. Let me go home now. " sabi ko naman. Hindi ko na siya inantay pang sumagot. Nilampasan ko na lang siya at pupunta na sana sa parking lot pero hinawakan niya ako para pigilan. 

"Please. I want to spend time with you... PLEASE. "

"Please. I want to spend time with you... PLEASE. " 

----

"Asan ba tayo? " tanong ko kay Mark habang tinitignan ang paligid. Andito kasi kami ngayon sa isang park. Ewan, di ko pa to napupuntahan. Pero, inaamin ko maganda siya. Punong -puno ang paligid ng mga ilaw. Lahat ng mga bagay sa paligid na makita mo, balot ng mga Christmas light at mga nagsisilakihan at mga bonggang lantern... mga puno, poste at mga halaman. Tapos, may isa ding malaking Christmas tree sa gitna. Katabi naman nito ang stage kung saan may bandang kumakanta. Tinignan ko ang mga tao, may mga magkakaibigan, pamilya, pero karamihan mga couples. Halos lahat sila, masaya at tuwang-tuwa sa mga nakikita nila. Pati tuloy ako napapangiti sa mga nakikita ko. Ramdam na ramdam na talaga ang Christmas ngayon kahit saan ka lumingon. Nakakainis, bakit ngayon lang ako nakapunta dito? Ito ang gusto kong lugar. Sana araw -araw na lang pasko ano? Nafe-feel ko kasi sa lugar na to ang love ng bawat isa. Na fe-feel ko na din tuloy ang love ngayon dahil sa lugar na to kahit walang nagmamahal sa akin. AY... 

Meron palang isa. 

Napalingon tuloy ako sa katabi kong si Mark.

"Ano? Nagustuhan mo ba? " tanong niya sa akin habang nakangiti. Ngumiti din ako sa kanya at tumango-tango. 

"Buti naman nagustuhan mo. Akala ko kasi hindi ka mag -eenjoy. "

"Hindi ah, ang ganda nga dito. Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa buong buhay ko. " sagot ko. Bigla siyang lumingon sa gulat dahil sa mga sinabi ko. Punong -puno ng pagtataka yung reaction niya kaya bago pa siya magtanong, inunahan ko na siya.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon