Chapter 42

216 8 4
                                    

CHAPTER 42


"*0* V!!! " tuwang-tuwa kong tawag sa kanya tas ika -ikang tumakbo sa kanya para yakapin siya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak. Siya din, hindi ko inaasahang yayakapin din niya ako ng mahigpit.


"A-anong nangyari sayo? Nasaktan ka ba? " tanong niya sa akin tas chineck ako mula ulo hanggang paa. Nakita niya yung buhok kong gulo. Pati na din yung nalagas kong buhok sa balikat ko. Nakita niya din yung kaliwa't-kanan kong namamagang pisngi. Yung damit kong nasira. Yung pasa ko sa braso. Yung kamay kong hanggang ngayon ay nakagapos ng panyo. At yung mga paa kong dumudugo. Hindi na siya nagtanong pa, binuhat niya na ako kaagad at inalis sa bahay na yun. Iniwanan na din namin si Kuya Jong na walang malay. Sinakay niya ako sa kotse niya tapos nagdrive na.


---


"A-ahhhh!! Aray ko!! >___<"


"Ay sorry! Sorry! Hindi na. Hindi na. Dadahan-dahanin ko na." nagpanic na sabi ni V sabay hinipan yung sugat ko sa paa na ginagamot niya. Nadiinan niya kasi to kaya napasigaw ako. Ah oo nga pala, andito ako ngayon sa unit niya. Dito niya ako dinala eh.


"Ano bang nangyari sayo kanina? " bigla niyang natanong habang binebendahan yung paa ko. Hindi kaagad ako sumagot, naalala ko na naman kasi lahat ng nangyari.


"A-ah... di bale na. Wag mo na sagutin yung tanong ko. Sige pahinga ka na. " dagdag niya nung ma realize na hindi ako okay.


"Hindi, sige ayus lang sa akin. " sagot ko naman. Okay na din na magsabi ng sama ng loob sa ibang tao diba? Si V naman yan eh, malaki tiwala ko dyan.


"Muntik na akong pagsamantalahan ng Kuya ko... " kwento ko.


"What? So kuya mo yung mestisong hilaw na yun? " gulat niyang sabi. Tumango naman ako.


"Pano niya nagawa yun sa sarili niyang kapatid? G*go yun ah! Eto ba yung first time na ginawa niya yun sayo? " tanong niya. Umiling ako.


"Nope. Madaming beses na. Since 14 years old ako, naranasan ko na yun sa kanya. Nung una, hindi ko siya maintindihan. Nabanggit niya kasi sa akin dati nung mga bata pa kami na gusto niya ako. Akala ko simpleng gusto lang bilang bunsong kapatid pero yun pala ibang gusto yung ibig niyang sabihin. Kaya pala VIP treatment lagi binibigay niya sa akin noon kaya naging favorite ko siyang kuya dati. Pero nung naging teenager na kami, bigla siyang nabarkada at natutuhan niya ng magdrugs. Kaya siguro nagagawa niya yung mga ganung bagay sa akin. "


O_____O


"What!? So 5 years ka ng nagtitiis sa kanya ganun? "


"Uhmmmm... hindi naman natutuloy eh. Wag kang mag -alala, virgin pa ako. " sagot ko. Bigla naman niyang nahampas yung kamang inuupuan ko sa sobrang gigil.


"Kahit na! Tanga ka ba? Paano na lang kung hindi ako dumating kanina? Naisip mo ba yung kahahantungan mo kapag nagkaganun? "


"Kaya nga thank you sayo kasi niligtas mo ako at hindi natuloy... " sagot ko.


This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon