Chapter 50

200 10 9
                                    

CHAPTER 50


"Wala na sila... " sabi ni V. Ngumiti naman ako sa kanya ng wide sabay yumakap.


"Hihi! Thank you V hah! Ang bait-bait mo talaga! Pangalawang beses mo ng niligtas ang buhay ko. Paano na kaya kung wala ka kanina? Thank you talaga hah. Hayaan mo babawi ako sayo next time :) " sabi ko. Nagulat siya ng yakapin ko siya kaya tinaboy niya ako.


"A-ah.. t-teka.. Don't mention it, it's my job. " sagot niya sa akin habang pinipilit na lumayo ako sa kanya. Binatukan ko naman siya.


"Arte naman nitong baklang to. Gusto lang naman kita ihug kasi nagpapasalamat ako eh. " sabi ko.


"Wag ka na ngang mag thank you... talagang gagawin ko naman talaga lahat para wag ka mapahamak eh. " sagot niya.


"Wihihihi... shaks kakakilig ka naman! Gugulong na ba ako ngayon sa sahig? " sabi ko habang tumatawa. Nagtaas naman siya ng kilay kasi nakakairita para sa kanya yung mga sinabi ko.


"Alam mo V, ang galing -galing mo talaga kanina. Ang galing mo sumuntok... marunong ka ding humawak ng baril! Para tuloy napapaniwala na akong hindi ka talaga bading :)" comment ko.


"Ano ka ba? Talagang marunong akong sumuntok dahil isa din yan sa ginagawa ko sa gym. At marunong din akong humawak ng baril dahil hilig namin ni dad ang shooting sports. Kahit ayaw ko ng ganyang sports, napilitan akong gawin para magpretend na lalaki sa harap ni dad. " sagot niya.


"Ganun? Akala ko pa naman lalaki ka na... " nanghihinayang na sabi ko habang nakanguso.


Hindi naman na siya sumagot pa at nabalot kami ng saglit na katahimikan. Pero saglit lang talaga yun kasi...


"ACHOOO!! "


Ooopppsss... Sareh, hindi ko naman sinasadyang mabahing. Nangati lang talaga ilong ko.

"ACHOOO!! "


Wehehehe... sorry na talaga. Promise di na talaga mauulit.

"ACHOOO!! "


Waaaaahhh!! Anong nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganto?

"ACHOOO!! "

"ACHOOOOOOO!! "


"AAAAACCCHHHOOOOOO!! >.<"


Sunud -sunod kong bahing. Halos tumulo na nga yung sipon ko eh at halos natalsikan ko na ng laway si V sa mukha. Tignan niyo tuloy yung expression niya, nakataas na ang kilay at ang sama pa ng tingin sa akin.


"Sorry talaga. Wag ka magalit, sige tatalikod na lang ako.. " nanghihingalo ko pang sabi kay V dahil nagbabadya na namang lumabas ang napakalakas na sama ng loob ng ilong ko. Pinunasan ko pa nga ang mukha niya bago ako tumalikod. Pero pagtalikod ko, bigla kaagad akong hinila ni V paharap sa kanya at hinawakan ang noo ko.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon