Chapter 89

109 5 0
                                    

CHAPTER 89

AIRA'S P.O.V.

Kinabukasan.

-Dingdong-

Pumunta kaagad si Rachel sa labas ng bahay para buksan yung gate dahil may nagdoorbell. At konting saglit lang, pumasok na kaagad si Rachel kasama si Sherna. Shempre nagulat ako kaya napatitig ako sa kanya.

"H-hi :)" naiilang niya pang bati sa akin. "Aira, sorry hah kung nakukulitan ka sa akin. I know naman na you're still mad at me for what I've done eh. Pero kaya ako pumunta dito kasi we have to finish our research kaya kung kumukulo yung dugo mo kapag nakikita ako, behave lang talaga ako promise! " dagdag niya pa habang hindi sa akin makatingin ng deretso at nagtaas pa ng kamay na para bang namamanata. Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni V dati sa akin noon kaya ngumiti ako kay Sherna. At nung makita niya ngang ngumiti ako sa kanya, bigla na lang nagningning yung mata niya ng parang ganito oh:

*0*

"W-wait, para san yung smile na yan?" tanong ni Sherna kaya mas lalo pa akong ngumiti sa kanya.

"Haaayy nako bestfriend, wag ka nang madrama dyan! Halika dito ^__^" sabi ko tas niyaya siyang tumabi sa akin. Tama si V, siya na lang yung nag -iisa kong bestfriend. Hindi ko dapat siya hayaang mawala ng dahil lang sa simpleng di pagkakaintindihan. Mabuti na lang at natauhan ako nuh? Hindi ko alam kung paano nalaman ni V lahat ng issue sa amin ni Sherna pero kundi dahil sa kanya, galit pa din ako dito sa bestfriend ko sa baluktot kong dahilan.

"KYAAAAHHH? Di nga? Bati na talaga tayo as in? " natutuwa niyang tanong sa akin. Tumango ako habang nakangiti.

"Bakit ayaw mo? " tanong ko pa.

"Syempre gusto ko!! ^0^" sagot niya sa akin tas lumapit na siya sa akin. Nung makaupo siya sa tabi ko, bigla niya akong niyakap ng matagal at mahigpit.

"Grabeeee, namiss kita besplen!!!" sabi niya pa.

"Haha. Ako din :) Namiss ko yung kakulitan ng bestfriend ko :)" sagot ko naman.

"Sorry besplen hah. " nagsorry ulit siya.

"Hay naku, ako nga dapat ang mag apologize sayo eh kasi hindi ko pinakinggan yung side mo. But let's forget about it, okay? The important is, bati na tayo :)" sagot ko. Ngumiti din naman siya ulit sa akin. Nasa ganung kalagayan kami ng may biglang pumunta sa harap namin. Pagkatingin ko, nagulat ako ng makita ko si Loren, na para bang inggit na inggit sa nakikita niyang closeness naming dalawa ni Sherna, at si Mark na halos hindi makatingin sa akin.

"Hey! What are you doing here? " galit na tanong ko na halos mapatayo pa sa sobrang emotion. Hindi sila sumagot na dalawa, tapos bigla akong napalingon dun sa taong nasa likod. Pagkatingin ko, si V pala yun.

"You invited them over?!" tanong ko sa kanya.

"Kailangan eh. Kundi, wala tayong thesis research na maipapasa sa professor natin. " sagot niya.

"Kahit na! Sino may sabing magpapunta ka ng mga taksil dito? Hindi mo man lang muna ako sinabihan bago ka nagdecide! "

"Kasi alam kong hindi ka papayag. " sagot niya ulit.

"Yun naman pala eh! Bakit mo pa ginawa kung alam mong ikagagalit ko? "

"Eh gusto kitang makapasa eh. Gusto ko sabay tayong grumaduate sa April. Kung hindi ka mag -aaral ngayon, uulit ka gusto mo ba yun? "

"Mas gusto ko pang umulit kesa makasama ang mga yan. " imbyernang sagot ko sabay nag walkout. Pero pinigilan ako ni V.

"Aira naman... babaan mo yang pride mo. Halika na, wag mo na pairalin yang galit mo. Mag- aral na tayo. " pilit niya pa sa akin.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon