Chapter 100

96 4 0
                                    

CHAPTER 100

AIRA'S P.O.V.

"Now tell me, sino sa atin ang poor Aira? Kung sabi mo kanina, ang tatay ko kamo nag -aararo sa bukid lang makabili ng TV nung mga panahon na yun. Eh ano naman sa tingin mo ang ginagawa ng parents mo noon? Wait, let me guess... Maybe your mom was dancing undressed that time at the club? O kaya naman baka naghahanap ng parokyano yung tatay mo sa drugs?" asar niya sa akin. Dahil dyan, tinitigan ko siya ng masama. Kanina pa namumuro to sa akin eh. Nakita niya naman na halos manggigil na din ang mga kamay ko. At sa sobrang inis ko, hindi na ako nakapagtimpi sa kanya at nagulat na lang siya ng bigla ko siyang sinampal.

-PAAAAAKKK-

"OUCH! ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO PARA GAWIN SA AKIN YUN! " gulat na gulat niyang reaction na halos natumba pa ng slight sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko habang hawak ang pisngi niya.

"Ikaw ang makapal ang mukha! Who are you to insult my family?! " sabi ko sabay sinugod ko siya at pinagsasabunutan. Akala niya hindi ko siya lalabanan?! Impaktita! Hindi ako natatakot sa kanya! Hindi naman siya nagpatalo sa akin at lumaban din. Nagkaroon tuloy ng tension sa loob ng classroom.

"See? Edi umamin ka din! Isa ka lang hamak na ampon! Anak ka ng kriminal at prostitute! Rape victim ka pa ng sarili mong kuya!! Saksakan ka ng kamalasan! Salot ka ng lipunan! " sagot niya sa akin habang nakikipagsabunutan sa kanya. Halos magkalmutan na din kami sa sobrang galit namin sa isa't-isa. Si Sherna, to the rescue kaagad sa akin at pumagitna kaagad sa amin para paghiwalayin kami.

"Bitawan mo siya! " narinig ko pang sabi niya. Sumugod naman si Katkat at tinulak siya ng malakas. Kaya naman pati sila nag -away at nagsabunutan.

At dahil dyan, pati sina V at Mark, tumulong na din sa paghihiwalay naming mga nag -aaway pero wala din silang magawa dahil wala ni isa sa amin ang may gustong magpatalo.

"Tama na yan! " narinig ko namang sigaw ni Loren at nagtangkang makiawat din. Gaya ng nangyari kay Sherna, pati siya nasangkot sa away nung humarang si Rachel sa kanya habang nakataas ang kilay para pigilan siya sa pag -awat. Tatlo na tuloy kaming nagsasabunutan ngayon sa harapan at tanging sina V at Mark lang ang umaawat sa amin dahil halos lahat tuwang-tuwa sa pinapanuod nila.

"Tumigil na kayo! Wag niyong sasaktan ang ate ko!! " sigaw ni Loren. Natigilan tuloy ako sa pagsabunot kay Helga at lumingon sa kanya. Actually, kung tutuusin chance na yun ni Helga para magtake advantage sa pagsabunot sa akin. Pero hindi rin niya nagawa dahil pati siya naguluhan sa sinabi ni Loren. Ano bang ibig sabihin niya dun?

"What? Anong sinabi mo?! " gulat na tanong ko. Sina Loren tuloy at Rachel na nag-aaway din, tumigil na. Pati din sina Sherna at Katkat, natigilan at hinintay ang sagot ni Loren. Tumayo naman siya at lumapit sa akin. Pagkatapos nun, bigla na lang nagbago ang expression ng mukha niya.

"Ate... " naiiyak niyang tawag sa akin.

"Ano? Anong pinagsasabi mo dyan? " naguguluhan ko namang tanong. Hindi siya sumagot sa akin at tuluyan ng umiyak. Pagkatapos ay nagulat na lang ako nung bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

"Ate... ang tagal ka naming hinanap ni Nanay... :'(" humahagulgol niyang sabi. Halos manlaki naman yung mata ko sa gulat. Pati din yung mga tao sa paligid, gulat na gulat. At dahil sa sinabi niya, pinilit kong lumayo sa kanya.

"Huh? What are you saying? Wag mo akong tawaging ate! " sabi ko sa kanya. Pinilit niyang lumapit ulit sa akin para yakapin ulit ako pero tumakbo kaagad ako sa likod ni V para hindi niya ako malapitan.

"Ate... ate kita! Magkapatid tayo... hindi mo na ba ako naaalala? " sabi niya. Kahit ayoko siyang pakinggan, kahit ayokong isipin yung mga possibility na baka nga kapatid ko siya, biglang nagflashback sa akin lahat kahit ayoko. Lahat ng mga moment nung bata ako habang kasama ko yung tunay kong pamilya. Yung pananakit sa amin ng step father ko. Yung mga panahong gigising ako ng maaga at sasama kay nanay para magtrabaho at magkaroon kami ng pera pambili ng pagkain namin sa araw na yun. At yung mga oras na masaya akong nakikipalaro sa kapatid kong si...

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon