Chapter 80

118 3 0
                                    

CHAPTER 80

AIRA'S P.O.V.

"ARGGGGHHH!!! " Sa gitna ng ginagawa nila, bigla akong sumugod at sinabunutan kaagad yung bruhang Loren na yan. Syempre hindi naman ako basta manunuod lang dun habang pinagtataksilan ako ng dalawang to.

"A -aira... " halos hindi makapaniwalang sabi ni Loren. Nakita ko din namang nagulat si Mark nung makita ako.

-PAAAAAAKKK-

Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko na masampal kaagad si Loren. Halos tumilapon nga siya sa sobrang lakas ng sampal ko sa kanya eh. Gulat na gulat din si Mark sa ginawa ko. Pati yung ibang mga tao sa paligid, nagtinginan sa amin.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO!! " sigaw ko kay Loren sabay sinampal ulit siya ng malakas sa kabilang pisngi.

-PAAAAAAKKK-

"Ahas ka! " sabi ko pa at sa pangatlong beses sinampal ko ulit siya.

-PAAAAAAKKK-

"Nangigigil ako sayo!" sabay sinampal ulit siya.

-PAAAAAAKKK-

"Tinuring kitang kaibigan tapos ganyan lang igaganti mo sa akin hah?! " sigaw ko pa tas sinampal ko ulit siya ng malakas.

-PAAAAAAKKK-

"Para yan sa lahat ng kabutihan kong binalewala mo! " sabay sinampal ulit siya. Para ng sasabog tong puso ko sa sakit kaya binuhos ko lahat ng galit sa kanya.

-PAAAAAAKKK-

"Para naman yan sa pagiging makasarili mo! " tas sinampal ulit siya.

-PAAAAAAKKK-

"Para yan sa pang -aahas mo sa boyfriend ko, malandi kang babae ka! " sigaw ko pa. Halos hindi siya makalaban sa akin. Napapaatras na lang siya sa sobrang lakas ng sampal ko sa kanya habang nakayukong hinahawakan ang pisngi niyang namumula na. Sa huling beses, tinangka ko siyang sampalin. Kaso tong Mark na to, sinalo na yung kamay ko kaya hindi natuloy.

"Aira! Tama na! " pigil niya sa akin.

"Wag kang mangielam dito!" sagot ko sa kanya sabay sumugod ulit kay Loren at sinabunutan siya. Hindi niya ako magawang sabunutan din. Umiiyak lang siya at hinahayaan niya lang akong saktan siya. Siguro kasi alam niya sa sarili niyang siya ang mali. Aba dapat lang!

"Malandi ka Loren! Ganyan ka na ba kadesperada para agawan ako ng boyfriend?! Kawawa ka naman! Ginagamit mo yang ganda mo sa walang kwentang bagay! Eh wala ka naman din palang pinagkaiba sa mga p*ta eh! Bakit hindi ka na lang mag-apply dun sa club?! Mas malala ka pa nga sa kanila eh!! " sabi ko sa kanya habang nilalampaso ang ulo niya sa kakasabunot. Bigla namang pumagitna sa amin si Mark para pigilan kami.

"I said that's enough!! " sigaw niya sa akin. At sa inis ko, binitiwan ko ang buhok ni Loren at siya din sinampal ko ng malakas kaya tumigil siya. Lakas ng loob niyang mang -awat, eh siya nga puno't dulo nitong away namin! Para pang lumalabas tuloy na si Loren pa ang kinakampihan niya sa aming dalawa ngayon dahil ayaw niyang masaktan si Loren.

-PAAAAAAKKK-

"Sabi ko wag kang mangingielam dito diba?! Isa ka pa eh! Ang kapal ng mukha mong lalaki ka! " sabi ko sa kanya tas siya naman ang pinagdiskitahan ko at pinaghahampas. At kahit gaano pala ako katapang, hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha.

"Alam mong may girlfriend ka, nagpapalandi ka pa sa iba! Anong klase kang lalaki hah?! Si Loren pa napili mo hah? Sa lahat ng babae, bakit siya pa? Hindi mo ba naisip kung anong mararamdaman ko?!! Hayup kang lalaki ka! Magsama kayo!! " gigil na gigil kong sabi sa kanya habang sinasaktan siya. Pinaghahampas ko siya, sinuntok at sinabunutan din habang patuloy na bumabagsak ang luha kong hindi dapat bumagsak! Argh! Hinawakan niya naman ako sa magkabilang kamay para patigilin.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon