Chapter 118

83 3 0
                                    


CHAPTER 118

"Oh? Anong meron sa inyo ni Vincent?" biglang natanong ni Sherna nung mapansin yung hindi namin pagpapansinan ni V.

"Hah? Wala." sagot ko naman sabay umiwas na ng tingin sa kanya.

"Weh hindi nga? Magkagalit kayo nuh?" tanong niya.

"At bakit mo naman nasabing magkagalit kami?"

"I smell something fishy kasi eh. First of all, hindi kayo magkasamang pumasok ni Vincent kanina. Eh diba palagi naman kayong sabay pumasok? Pangalawa, sa tagal nating magkaklase, ngayon ko lang kayong nakitang hindi magkatabi. Samantalang dati, nasisita pa yan si V mo ng mga professors kasi minsan sinisaway niya yung seating arrangement sa klase. Pangatlo, nung nag-aaway kayo ni Helga, parang wala siyang pakielam. Unlike dati, madapuan ka lang ng lamok, halos lumipad na yang si Vincent para lang protektahan ka. At pang-apat, nung nagkatinginan kayo kanina, bigla siyang umiwas. Nakakapanibago, dati para kayong conjoined twins na hindi mapaghiwalay tapos ngayon, anyareh?"

"Psh. Imagination mo lang yan. " sagot ko na lang tapos nakinig na kay ma'am.

"Weeeehhh? Di nga? Hindi ako naniniwala! Anong nangyari??" tanong niya pa. Hindi ko na siya pinansin, kunyareh nakikinig na lang ako sa lesson. Ayoko ng mag explain sa kanya eh. Kung ayaw niyang maniwala, edi wag.

"Wui. Ano na?" pangungulit niya pa sa akin.

"Sherna, wag mo na tanungin si ate." narinig ko namang pabulong na sabi ni Loren kay Sherna.

"Tinatanong lang naman eh. " sabi naman niya.

"Wag ka na mangulit, obvious naman kasi dibang nag-away sila diba? Kailangan tinatanong pa?"

"What? So totoo ngang LQ sila ngayon? \(OoO)/ Sinasabi na nga ba eh! Ano bang alam mo? Share it please..." sabi ni Sherna. Hinila ni Loren si Sherna papalapit pa sa kanya para bumulong sa tenga niya. Kahit sa iba ako nakatingin, naramdaman kong tumingin pa sa akin yung dalawa kasi baka magalit ako.

"Kasi kanina, pumunta sa bahay si Vincent para sabay silang pumasok ni ate. Pero pinagtaguan ni ate si Vincent kasi naiilang siya. Kahit ganun hindi ko kinunsinti si ate at inapasok ko pa din siya kasi bisita namin siya eh. Tapos pinag-usap ko silang dalawa. Pagbalik ko na lang, ayun na magkaaway na sila. " pangtsitsismis ni Loren kay Sherna. Lumingon na ako sa kanila kasi nakakairita.

"Pwede ba kayong dalawa, kung gusto niyo akong pagtsismisan siguraduhin niyong hindi ko naririnig?" asar na sabi ko kaya tumigil sila.

"Ay sorry. " sabi ni Sherna sa akin kaya bumaling na ulit sa iba. Kaso nga lang maya-maya ulit, nagbulungan na naman sila.

"Bakit ba? Ano kasing nangyari? Bakit naiilang si Aira kay Vincent?" tanong ni Sherna.

"Ganito kasi yun, kahapon nung birthday ni ate, may nangyari..." sabi naman ni Loren. Kinabahan tuloy ako kasi baka ipagsabi niya yung secret ko kaya lumingon ulit ako sa kanila para sitahin sila.

"Loren!" asar na tawag ko sa kapatid ko. Ang daldal kasi kahit kelan! Asar.

"Ehehe! Sorry na ate. Promise di na talaga!" sabi niya sa akin tapos tumigil na siya.

"Uy teka ituloy mo muna yung sinasabi mo. Gusto kong malaman, anong nangyari kahapon sa birthday ni Aira?" sabi naman ni Sherna. Since nakatingin ako ng masama sa kapatid ko at mukha namang nasindak siya sa kilay ko pa lang, hindi niya na nasabi.

"Ehehe. Malalaman mo din yan sa tamang panahon. " sagot niya.

Break time.

Kumain kami sa pantry. PERO WALA AKONG GANAAAAAA!! BAKIT GANUN?? (TTOTT) Tatlo lang kaming kumakain dito. Parang feeling ko may kulang talaga. Bakeeeettt??? Huhuhu!!! :'( BAKIT KO SIYA HINAHANAP??

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon