Chapter 122

66 3 0
                                    


CHAPTER 122

Pagdating namin sa hospital, naabutan ko si ate at ang mga kapatid ko, kasama din si Vincent, pati yung daddy at kuya ni ate na si Kuya Gong. Lahat sila naghihintay sa labas ng isang kwarto. At lahat sila kinakabahan sa resulta, ni hindi nga maipinta ang mukha ni ate eh.

"Ate! " tawag ko sa kanya kaya lahat sila nagsilingunan sa akin. Tumakbo ako papunta sa kanila pero hindi pa ako tuluyang nakakalapit, sinalubong na kaagad ako ni ate.

"Anong nangyari kay nanay hah?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam! Basta sinabi na lang sa akin ng mga kapatid natin na bigla siyang nag- nosebleed tapos nawalan na lang ng malay. Kinakabahan tuloy ako." sagot naman sa akin ni ate.

"Ano daw sabi ng doktor?" tanong ko. Umiling naman kaagad siya.

"Wala pa eh. We're still waiting kaya hindi pa rin ako makampanti hanggang ngayon."

"Baka kumikilos na naman kasi siya. Sinabihan ko na nga siyang wag ng gumawa ng gawaing bahay, ang tigas pa din ng ulo niya. Hindi siya sa akin palaging nakikinig, palagi niyang dinadahilan na kaya niya pa at ayaw niyang maging inutil. Pero tignan mo naman ang naging resulta ng pagiging pasaway niya? Mas concern pa tayo sa katawan niya." inis na sabi ko.

"Uhm everyone, I think dapat hindi tayo maging nega dito. Let's anticipate na lang na she'll be alright." bigla namang sabi ni Sherna.

"Yeah, we're all here to support you. Let's just wait for the result later. Everything's gonna be alright. " sabi naman ng daddy ni ate. Kaya naman kesa sa magmukmok kaming lahat dito, umupo na lang muna kami at naghintay sa sasabihin ng doktor.

"Higad..." narinig kong sabi ni V kay ate. Alam kong narinig din yun nina Sherna at Nick kaya napalingon din sila. Nakapagtataka kasi bigla yung tawag niya kay ate. Hindi ba mahal niya si ate? Bakit ganun niya tawagin ang ate ko? Yung last time na narinig ko yun mula sa kanya, nung para pa silang aso't pusa sa pag-aaway eh. Nakakapagtaka lang talaga kung bakit bigla siyang nagsalita ng ganun sa kapatid ko lalo pa ngayon at may problema siyang iniisip.

"Sana wag ka ng sumimangot dyan. Kasi ngiti mo yung dahilan ko para ngumiti din eh. Ayaw kitang nakikitang malungkot. Pwede bang magsmile ka sa akin ngayon kahit konti? " sabi pa ni Vincent kaya lumingon si ate sa kanya. Pinag-isipan niya pa kung ngingiti siya sa harap ni Vincent o hindi. Pero sa huli, pinilit niyang magsmile kaso nga lang sobrang tipid.

"Oh heto. Okay na ba?" sabi pa ni ate.

"Masyadong fake. Gusto ko yung natural. " comment naman niya kaya tinry ulit ni ate na mas ngumiti pa.

"Oh ayan na. Okay na yan?"

"Konti pa. Gusto ko mas wide. Yung smile na nakikita ko tuwing kasama mo ako :)" sagot ulit niya kay ate kaya automatic naman na mas lalong ngumiti si ate sa kanya. Parang halos mawala nga yung pag-aalala sa mukha ni ate dahil abot tenga talaga yung ngiti niya. Mas lalo tuloy akong naguluhan sa kinikilos nilang dalawa. Napakawirdo! Kanina lang higad yung tawag sa kanya ni Vincent pero ni hindi man lang siya nagreact. At himbis na magalit, parang nakikita kong masaya pa siya ngayong kausap niya si Vincent. Nagdududa na tuloy ako... Parang... Teka nga? Sila na ba?

"Haha! Oh ayan?" natatawang sabi na ni ate na para bang nawala na lahat ng iniisip niyang problema ngayon. Ewan ko, mukha siyang kinikilig.

"Ganyan... Smile lang! Tignan mo ako, masaya na din kasi nakita ka ng masaya :D Iwasan mong sumimangot, hindi sayo bagay eh. Mas nakikita yung ganda mo kapag nakangiti ka." sabi naman ni Vincent kay ate.

"Sorry na bakla, hindi ko kasi mapigilan na hindi mag-isip ng masama eh. Paano na lang kasi kung may mangyari nga kay nanay? Ano na lang gagawin ko?" sagot ni ate. Nagsimula na naman siyang mag-alala.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon