Chapter 75

108 4 0
                                    

CHAPTER 75

Pero bago pa masira ang beauty namin kakaisip sa walang kwentang tao, pumunta na kami sa basement para makauwi na. Pero pagbukas pa lang ng elevator, nakita ko si V na pasakay na ng kotse niya kaya napatingin kaagad ako sa kanya. Lumabas kaming tatlo ng sabay-sabay habang nagkukwentuhan sina Sherna at Mark.

"Yeah, next time try natin yung sinasabi mo. Mukhang masaya eh, diba sweetie pie? " sabi sa akin ni Mark sa pinag uusapan nila ni Sherna. Pero hindi ko talaga yun napansin, para sa akin yung mga sinabi niya ganito lang sa pandinig ko:

"ASDFGHJLVUBCQWERTYPHONE"

Kaya hindi ako sumagot. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang pinapanuod pa din si V na papaalis na. Napatingin na lang silang dalawa dun sa tinitignan ko tapos bigla akong hinabol ni Mark at humarang sa harap ko.

"Sweetie pie... " tawag niya sa akin sabay hinawakan niya yung kamay ko. Hindi naman ako sumagot at hinintay lang ang mga sasabihin niya. "San ka pupunta? Andun yung kotse. " sabi niya sabay tinuro yung daan kung saan nakapark yung kotse ni Mark. Dun na ako natauhan, hindi ko namalayan na sa sobrang kakatingin ko kay V, sinusundan ko na pala siya.

"Oo nga pala, nandun yung kotse, tara." sabi ko sabay lumiko na. Pero bago pa kami tuluyang makaalis, di ko ulit naiwasang lumingon kay V kaya naman napalingon din sa akin si Mark. Pero hinayaan niya lang naman yun. Akala ko magiging big deal, mabuti na lang hindi siya nagseselos.

Pagpunta namin sa kotse, kaagad na binuksan ni Mark yung pinto. Oo nga pala, makikisabay sa amin si Sherna umuwi. Pero pagkabukas na pagkabukas ni Mark ng pinto, may isang kotseng color blue na dumating at huminto sa harap namin kaya lahat kami nagsilingunan. Pagkatapos nun ay may biglang bumabang isang lalaking tisoy mula sa loob ng kotseng yun. Si Sherna, nakita kong biglang namula at nanlambot.

O_______O

"N-nick?! " sobrang gulat na sabi niya. Waaaahhh? Talaga? Siya si Nick? OMG! Hindi ko nakilala! Ganito pala itsura niya sa personal? Nakikita ko lang kasi siya sa mga billboards eh.

"Ay shocks. Ang gwapo... >\\\<" pabulong na comment ko kay Mark sabay nahampas siya sa braso sa kilig. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit super patay na patay tong kaibigan ko sa Nick na to at kung bakit palagi siyang namumula sa tuwing pinag -uusapan namin siya.

Sa ginawa ko, biglang tumingin ng masama sa akin si Mark. Yung tipong lumaki yung butas ng ilong niya. Wahaha... sorry, ngayon ko lang narealize kung bakit ganyan siya umakto.

"Ehehe... pero syempre mas gwapo ka sweetheart ko :) Isa pa, kay Sherna na yan. Wag ka na magalit :D " natatawang sabi ko kay Mark habang hinihilot yung braso niyang nahampas ko. Hinayaan na lang naman niya ako pero halata pa din na nakabusangot siya. Napansin naman ni Nick na nagsasalita ako kaya ngumiti siya sa akin.

"Hello! :)" bati niya habang kumakaway kaya ngumiti naman ako at kumaway din sa kanya. Bigla namang binaba ni Mark ang kamay ko sabay hinarangan ako ng kaunti na para bang gusto niya akong ipagdamot. Nagulat nga kaming dalawa ni Nick eh pero kalaunan natawa na lang din kami.

"Aira right? " tanong niya sa akin.

"Uhhhh... yeah. Why do you know me? " nagtaka naman ako kung bakit niya ako kilala.

"Palagi ka kasing kinukwento ni Sherna sa akin eh :) "

"Oh I see... " sagot ko. Lumingon naman siya kay Mark.

"Siguro ikaw naman si Mark? "

"Yes. And I'm her man. " sagot naman ni Mark sa kanya sabay inakbayan ako. Kinurot ko tuloy sa pisngi si Mark. Nakakagigil tong boyfriend ko... Masyadong seloso ^___^

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon