Chapter 107

86 4 0
                                    


CHAPTER 107

"Ate... Pwede ba tayong mag-usap?" sabi ni Loren na kauupo lang sa tabi ko. Nasa waiting shed lang kasi ako, iniwan muna kaming dalawa nung iba ko pang mga kasama para daw 'makapag -usap' kaming dalawa.

"No!" pasigaw na sagot ko kaagad sa kanya. Kaya naman nagulat siya at hindi kaagad nakapagsalita. Napaatras pa nga eh. Haha! Natakot siguro siya sa akin. "Hehe joke lang! :) Eto na nga oh, nag-uusap na nga tayo eh. Ano pa ba?" mataray na sabi ko pa habang nakangiti. Pero nakita ko pa din siyang napalunok at medyo namutla.

Oh teka lang guys, baka nagtataka kayo kung bigla kong naisipang kausapin ang isang to ah. Samantalang kumukulo ang dugo ko sa kanya. Hindi ako bangag! Sadyang nakapag isip-isip lang ako. Bakit bawal magbago?!

"Natatakot ako sayo Ate." comment niya habang hindi makatingin ng deretso sa akin.

"Dapat lang! Mataray ako at maldita. Hindi dapat ako tinitignan ng mga tao ng nakataas ang kilay. Gusto ko lahat sila, kapag dadaan ako, mga nakayuko sila at tahimik. " sagot ko sa kanya.

"Dapat din ba ganun ang gawin ko kapag kaharap kita? Kahit kapatid mo ako?" tanong niya sa akin.

"Oo. Para matuwa ako sayo." sagot ko. Hindi naman na siya umangal pa at natawa na lang sa sinagot ko. Kelangan niya akong intindihin at tanggapin kasi ganun yung ugali ko.

"Ate, galit ka pa ba sa akin? Hindi ka pa din ba nakakamove on kay Mark kaya nahihirapan kang kausapin ako?" bigla niyang natanong.

"Nakamove on na ako!" sabi ko. "Pero gusto kong maging straight to the point sayo. Ayoko kitang maging kapatid. " sabi ko pa kaya natigilan siya.

"H-hah?" tanging naging reaction niya sa sobrang gulat.

"Hindi na ako galit sayo, kaya nga nagawa kitang kausapin ngayon. Pero may sama pa din ako ng loob kasi mahirap kalimutan yung ginawa mo. Hindi ko na nga maimagine kung bakit naging kaibigan kita noon eh, ang maging kapatid pa kaya kita?" sabi ko. Napakamot siya ng ulo sabay napangiwi na para bang nahihiya.

"Ate sorry na. Pinagsisisihan ko na yun. Kalimutan na natin yun please... Tutal mukha namang nakamove on ka na talaga. Masaya ka na kasama si Vincent diba? Tapos ako naman, tanggap ko na lahat. Oo mahal ko pa siya, pero ayaw niya talaga. Kaya hahayaan ko na lang yun, mas mahalagang mabalik ko yung dati nating relasyon tsaka ang mabuo yung pamilya natin." sabi niya.

"Wag ka ng manghingi ng sorry sa akin. Okay na." sagot ko. At dahil dyan, nakita ko kung gaano nagningning yung mga mata niya at unti-unting naging wide yung ngiti niya sabay pumalakpak.

"T-talaga ate?! *0*"

"Oo nga. Ayoko ng makulit ah, paulit-ulit ka." masungit na sagot ko sa kanya. Pero hindi niya naman na pinansin yung kasungitan ko kasi talagang tuwang-tuwa siya.

"Haha! Sorry na talaga ate... Hindi lang talaga ako makapaniwala!!! :D"

"Eh nakakapagod na rin magtaas ng kilay tuwing nakikita kita eh. Para mabawas-bawasan na din mga problema ko. Naiistress na kasi ng sobra yung beauty ko. Ayoko rin naman isipin mo na ang tagal kong makaget over. Tsaka okay na, ilang beses ka ng nagsorry. Enough na yun. Narinig ko na yung side mo at alam kong sincere kang magbago. Tapos marami ka ng nagawang effort para lang magkabati tayo. Niligtas mo ako noon nung may magtangkang magbuhos sa akin ng paint at ngayon pati ikaw, piniling hindi magdefense kahit ready ka kanina para lang samahan ako for one more semester. Sobra-sobra na yun." matapos niyang marinig yun, ewan ko ba dyan kay Loren, mukha siyang sinaniban! Nagtatatalon ba naman at nagtititili?!

"KYAAAAAAAHHH!!! DI NGA?! YEHEEEEEYYY!!! WOHOOOOO ATE! GRABEEEEE!!! DI AKO MAKAPANIWALA! ANG SAYAAA NAMAAAANNN!!! SIGURADO MATUTUWA NITO SI NANAY!!" tuwang tuwa niyang sabi tapos lumapit sa akin at niyakap ako. "Teynkyu ate hah. I love you!! ^___^ HUMUUUWWAAAHH!! :*" sabi niya pa sabay kiniss ako sa cheeks. Syempre tinulak ko siya kaagad palayo sa akin.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon