Chapter 65

164 5 1
                                    

CHAPTER 65

AIRA'S P.O.V.

-Ding dong-

Uwaaaaahhh! *0* Andyan na sila!! Yippee!!

Agad akong bumaba ng hagdan at dumeretso sa gate para salubungin ang mga bisita ko. Super excited na talaga ako dito GRAAAAABBBEEE!! ^O^

Alam niyo ba kung sino tong mga inaabangan ko? Wait, patunugin muna natin ang sound effect ng binuksan na gate...

-EEEEEENNNGGG-

At ayan na nga sila! Nasa harapan ko na silang tatlo. Well, I want you to meet my new slaves. Say hi to Helga, Katkat and Rachel :)

"OH HELLLOOO!!! :D Bat ngayon lang kayo? Haaayy nako, super namiss ko talaga kayong tatlo! Imagine? Kagabi, hindi ako nakatulog kakaisip ko sa inyo? :) Mabuti na lang at madalas ko na kayong makakasama ngayon. Ang bait talaga ni tadhana nuh? Aaaawwww... how sweet diba? " asar ko sa kanilang tatlo. Nakita ko namang nagtaas sila ng kilay. Ang pinakamataas, yung feeling leader na si Helga.

"Oh? What are you waiting for? Pasok na kayo dito sa loob! Medyo mahaba-haba ding tour ang gagawin natin sa mansion ko kaya baka gabihin tayo. " sabi ko. Pagkatapos nun, binuhat na nila yung mga luggage nila at pumasok na sa loob ng gate. Pero pagtingala nila, at matapos nilang makita ang itsura ng labas pa lang ng bahay ko, halos malaglag na ang mga panga nila.

"OH. EM. GEE. Seriously, bahay ba to? Bat ang laki?! Hindi kaya maligaw tayo sa loob niyan? " sabi ni Rachel. Siniko naman siya sa tagiliran ni Katkat.

"Shut up Rachel! Ganyan ka ba kahirap para humanga sa ganito kaliit na bagay?! " sita sa kanya ni Katkat. Hindi naman ako umapila at tumawa na lang. Haha! Wow ah! Wow talaga. Maliit na bagay pa pala to sa kanya? Okay. Let's see kung hanggang saan yang iyayabang mo! Bwahahaha!!

"Oooopppss... sareh. " sabi na lang ni Rachel. Ngumiti naman ako sa kanila.

"Let's go? " tanong ko. Nagtinginan silang tatlo na para bang ayaw na nilang tumuloy. Teka naduduwag ba sila? Haha! Yan ang napapala ng mga nagmamagaling! Dapat kasi gumagamit muna ng utak bago satsat! Makikipagpustahan sila sa akin sa bagay na hindi nila kayang ipanalo? Walang utak.

Tumalikod na ako at nauna na. Wala rin naman silang nagawa kundi ang sumunod sa akin.

"Wow! Ang ganda dito hihihi!! Ang laki -laki talaga ng house mo Madam!! :) R-I-C-H ka talaga!! ^_^" comment ulit ni Rachel nung makapasok kami sa loob. Ngumiti ako sa kanya. Nakita ko naman siyang sinabunutan ulit ni Katkat.

"Ouch naman! You're so nakakainis hah? Inaano ba kita? Kagagaling ko lang sa parlor! Who are you para sirain ang hair ko!? "

"Kanina ka pa kasi eh! Isa pa hah, kakalbuhin talaga kita! "

Haaayy nako, nakakatawa talaga silang dalawa! Parang aso't-pusa. Tignan mo tuloy si Helga, nakabusangot na sa kanilang dalawa.

Pumunta naman ako sa dinning area kaya sumunod sila.

"Have a sit, ladies :)" alok ko sa kanila. Nagtaka naman silang tatlo.

"At para san naman po yan mahal na prinsesa? Hindi ba aalilain mo kami ngayon? " mataray na tanong ni Helga. Syempre tumawa ako.

"Ahahaha! Masyado ka naman dyang excited, girl! Syempre aalilain ko kayo ng bongga pero later na yun. Eat your lunch first, baka naman kasi sabihin niyo, hindi ko kayo inaasikaso eh. Nakakahiya naman kasi sa inyo eh diba? " sagot ko naman.

"Dali na, feel at home hah. Isipin niyo, buffet to. Eat as many as you can na para bang huling kain niyo na to at bibitayin na kayo mamaya :D " dagdag ko pa. Umirap naman si Helga at si Katkat tas umupo na din naman silang tatlo.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon