Chapter 115

138 7 0
                                    


CHAPTER 115

Matapos ng klase, hindi kaagad ako dumeretso ng bahay. May gusto muna kasi akong puntahan eh, lalo na ngayong malungkot ako. Syempre saan pa, sa puntod ng mommy ko.

"Mommy... Hello po. Sorry po kung hindi ko kayo nadalaw nung death anniversary niyo hah. May nangyari po kasi noon eh kaya ngayon lang ako nakapunta ulit sa puntod niyo. Wag po kayong magagalit sa akin ah, kasi lalo po akong malulungkot ngayon :( Sana po kasi hindi niyo po muna ako iniwan. Edi sana nasa tabi ko ngayong medyo wala akong makapitan. Alam niyo po ba, ang dami na hong nangyari. Nalaman na ho ng lahat na hindi niyo po ako tunay na anak. Okay lang po naman sa akin na malaman yun ng ibang tao eh. Dapat pa nga akong maging proud dahil inalagaan ako ng husto ng mga tumayo kong mga magulang. Isa pa, may maganda din namang naitulong sa akin yung nangyaring to. Kasi nailigtas ako kay Kuya Jong at nameet ko po ulit yung biological family ko. Pero ang kinatatakutan ko lang naman po ay yung masira yung social life ko. Medyo nasasaktan din po kasi ako sa nangyari. Halos lahat na kasi ng tao, nag-iba ng tingin sa akin. Katulad kanina, pinagkaisahan ako ng lahat. Binato, pinatid, pinahiya, tinapunan ng mainit na coffee at kinulong pa sa CR. Gusto kong lumaban sa kanila pero wala naman po akong magawa. Hahaha. Sorry mommy at sa inyo ako nagsusumbong. Masyado bang madrama? Nakakapagtaka kasi, ginagawa ko naman lahat para iplease silang lahat pero kulang pa ba yung ginagawa ko? Bakit pa rin nila ako ginaganito? Hindi ko naimagine na maging ganito yung buhay ko. Ano po bang gagawin ko?" mahabang kwento ko kay mommy kahit alam kong lapida lang ang kausap ko ngayon. Naniniwala kasi ako at nararamdaman ko din ngayon na kasama ko si mommy.

"Nagsusumbong ka ba sa mommy mo para multuhin niya lahat ng taong nanakit sayo?" bigla akong nakarinig ng boses mula sa likuran ko. Nagulat nga ako eh. Yung tipong nasa cemetery ka, malamig, tahimik at tyempong ikaw lang mag-isa dito tapos biglang may kakausap sayo? Tignan ko lang kung hindi ka ma-ER ng wala sa oras sa sobrang gulat kung nasa kalagayan ko kayo ngayon. Mabuti nga hindi ako napatili eh. Lumingon ako dun sa taong nasa likuran ko na kumausap sa akin para malaman kung sino yun pero paglingon ko, wala naman akong nakitang tao. O___O Nilibot ko pa yung mata ko sa paligid pero wala talaga akong nakita. My goodness. Minumulto ba ako??

Joke lang. Si V yung nagsalita -__- Kahit kelan talaga buntot ko to.

"Hanggang dito ba naman V? Panu ka nakapunta dito?" tanong ko sa kanya.

"Syempre sinundan kita." sagot naman niya.

"Eh bakit mo nga ako sinundan?"

"Kasi alam kong hindi ka okay. " sagot niya naman sa akin. "Sorry kung hindi kita naprotektahan kanina kasi wala ako."

"Okay lang yun, sanay na ako. "

"Nahihirapan ka na ba talaga?" bigla niyang natanong.

"Hah? Anong ibig mong sabihin?"

"Nahihirapan ka na ba dyan sa situation mo? Narinig ko yung sinabi mo kanina, sabi mo hindi mo maimagine na magiging ganyan yung kalagayan mo. Kaya nagtataka ako sayo kasi palagi mong sinasabi na okay ka lang sa tuwing tinatanong kita. "

"Okay naman talaga ako eh kasi kahit ganito yung nangyari, nalaman ko kung sino talaga yung mga taong talagang nagremain sa akin. Pero oo, siguro nga nahihirapan akong mag-adjust. Ang hirap maging mahirap. Dinanas ko na to noon dati eh, di ko akalaing dadanasin ko na naman. " sagot ko sa kanya.

"Bakit? Masaya naman maging mahirap ah! Ayaw mo nun, mas makakakilos ka ng maayos. Kapag mayaman ka, limitado lang yung pwede mong puntahan. Hindi ka pwedeng pumunta sa public place ng basta-basta lang kasi palaging may nakasunod sayong reporters, stalker, tsaka mga masasamang tao na gusto kang saktan gaya ng kaaway sa business. Kailangan palaging may nakasunod sayong bodyguard tsaka yaya all the time kaya hindi mo magawa lahat ng gusto mo. Pero yung mahihirap, malayang gawin lahat. Yung mga mayayaman, palaging nakasuot ng alahas, palaging may gadgets na dala tsaka palaging magarang damit ang suot. Kaya madalas biktima ng holdapan. Yung mahihirap, hindi afford yung mga ganung bagay kaya hindi pinapansin ng mga masasamang tao. Yung mga mayayaman, palagi lang nakasakay sa kotse. Pero ang mahihirap, maraming sasakyan ang pwedeng pagpilian. Mas masarap sumakay sa mga public transportation lalo na kapag kasama mo yung mahal mo para mas mahabang oras mo pa siyang makakasama. Yung mga mayayaman, madalas mga plastik. Kailangan pang mangawit ang bibig kangingiti sa lahat ng tao para lang maipakitang masiyahin. Pero ang mahihirap, kahit magsisigaw ka sa tuwa o kaya sa sama ng loob, okay lang kasi wala sayong papansin. Yung mga mayayaman, ang daming problemang iniintindi. Problema sa company, problema sa pamilya, problema sa oras, problema sa reputation... Pero ang mahihirap, financial problem lang ang iniintindi. Yung mga mayayaman, madalas mulungkot ang buhay dahil karaniwan sa kanila mag-isa lang sa buhay at puro kayamanan lang ang palaging kasama. Pero ang mahihirap, masaya ang buhay kasi may pamilya at kaibigan na kasama nila sa pagharap lahat ng problema sa buhay. Diba? Mas masayang maging mahirap? Kaya bakit ka nalulungkot dyan? "

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon