Chapter 129

77 3 0
                                    


CHAPTER 129

"Hi mga girlfriends!! ^___^ Hmmmuuuuaaaahh :*" bati sa amin ni Sherna sabay niyakap ako at nagbeso nung maabutan niya kami ni Loren sa washroom ng school habang nagreretouch. Nakipagbeso din naman siya kay Loren.

"Musta yung pagbisita mo sa house ni V mo? Close na ba kayo ng motherhood niya? Ano? Kwentuhan mo ako dali!!!" tanong niya sa akin. Natigilan nga ako eh. At literal na napanganga.

"Uh. No comment! " sabi ko sa kanya sabay tinuloy yung paglilipstick na ginagawa ko kanina before siya pumasok dito. At sa sinabi ko, nagkatinginan sila ni Loren. Miski naman kasi sa kapatid ko, wala akong pinagkwentuhan sa mga nangyari eh. Para san pa? Magpapaawa ako sa kanila? Wag na uy! Kakayanin namin to ng V ko!!

"EEEEHHHH!!! TEKA!!!! Anong no comment?! Kwentuhan mo na ako dali!!! Anong nangyari??!!" pangungulit niya pa na may papadyak-padyak pang nalalaman na akala mo batang paslit -.- Lumingon ako sa kanya.

"Wala ngang nangyari, okay? Just don't ask me, let's change our topic na lang." sabi ko naman sa kanya. Tapos bigla naman siyang umacting ng nagulat. Yung maarteng style, yung akala mo nasinok lang -.-

"\(OoO)/ Teka, bat ganyan ka? Bat ka umiiwas magkwento? Don't tell me, hindi maganda yung nangyari dun ano? Hindi siguro boto sayo yung family ni V mo sayo nuh?" sabi niya. Tumitig ako sa kanya. Yung parang ganito oh: ( >.>) Sinabi na nga kasing wag magtanong, di siya makagets?

"Oy! Oy! Wag mo akong daanin dyan sa titig mo day! Kilala kita! Alam kong hindi maganda yung nangyari! Aminin mo, tutol sayo yung family niya sa relasyon niyo noh?!" sabi niya pa. Ay kay kuleeeet ng batang iri! Pag sinabing wag magtanong, nagtatanong. Pag sinabing magtanong, hindi naman nagtatanong. Mabuti pa si Loren! Yung kapatid ko nga, hindi nga nangungulit eh. Tsk. Tsk. Sige na nga, para matahimik na yung manok dito. Putak ng putak eh.

"K. fine. Hindi nga boto yung mommy at yung ate ni V sa akin kasi daw magulo daw ang buhay ko. May mas ibang babaeng bagay pa daw kay V at nagngangalan yung Cashley na wala namang pinagkaiba sa pwet ng takuri. Hindi ko malaman kung kababata ba ni V yung babaeng yun kaya halos isungalngal na nila yung babaeng yun sa boyfriend ko. Pero wala akong paki, kahit nahalungkat pa nila yun sa smokey mountain o kung san mang lupalop, hindi kami papayag ni V na mapaghiwalay kami. So yun po ang nangyari, okay na po ba?" kwento ko kay Sherna.

"Ano? Di nga? Hala ate! Sinaktan ka ba nila? " nag-aalalang tanong sa akin ni Loren.

"Oo nga! Pinagsalitaan ka din ba nila ng masasakit? Minura ka ba nila? Sabihin mo lang, reresbakan namin yun ni Loren!!" sabi naman ni Sherna.

"Wag na, OA talaga ng mga to. Look at me, maganda pa din. At mas blooming pa! Meaning, hindi ako nagpaapekto sa kanila. Kahit kelan di nila kami magagapi!! Okay na sa akin na kahit yung dad lang ni V kakampi namin. " sabi ko sa kanila tapos nag-apply naman ng press powder sa mukha.

"Kampi naman pala yung daddy ni V mo sa inyo, hindi man lang kayo pinagtanggol?" tanong ni Loren.

"Nagpromise siya sa amin. Pipilitin daw niyang i-convince yung mommy tsaka ate ni V na tanggapin nila ako. Tiwala ako dun kaya hindi na ako namomroblema. " sagot ko sa kanya. Habang naglalagay ako sa mukha, napansin ko naman sa salamin yung suot kong singsing kaya naman humarap ako sa kanilang dalawa ng ngiting ngiti.

"Alam niyo, kesa magmukmok ako dito dahil hindi ako tanggap ng family ni V, may sasabihin na lang akong good news sa inyo ^___^" sabi ko.

"Ano yun? Sure kang matutuwa kami dyan hah?" sabi ni Sherna. Syempre tumango kaagad ako habang hindi pa din mawala ang smile sa mukha ko.

"Nagpropose na sa akin si V!!!! <3" tuwang tuwa kong sabi sa kanila. Tapos bigla silang nagkatinginang dalawa. Nandidilat pa nga ang mga mata eh.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon