Chapter 134

132 3 0
                                    


CHAPTER 134

LOREN'S P.O.V.

-Graduation Day-

Here at Serendra, kasalukuyan akong may taping ngayon dito para sa ginagawa kong project. Pero for the mean time, break muna namin ngayon kaya nakaupo muna ako dito habang hinihintay yung pinabili kong milkshake sa personal assistant ko.

"KYAAAAAAHHHHH!!!!LOREEEEEEEENNNN!!!! PANSININ MO KAMI PLEAAASSSEEEE!!!"

"LOREEENNN!!! KAWAY KA NAMAN SA AKIN!"

"I LOVE YOU LOREN! AKO NUMBER ONE FAN MO!"

"MAHAL NA MAHAL KA NAMIN LOREN!! MAHAL KA NG LAHAT NG LORENATICS AT ARREN FANS CLUB!!!"

Yan. Yan yung mga maririnig mong sigawan mula sa mga taong nanunuod sa amin ngayon sa taping. Kahit malayo sila mula sa kinauupuan ko, ang tyaga nilang sumigaw ng wagas para lang mapansin ko sila. Tumingin na lang ako sa kanila habang nakasmile sabay nagwave ng kamay sa kanila. Napasmile na lang talaga ako habang pinapanuod sila kung gaano nila isigaw ang pangalan ko habang nakasuot pa ng customized shirt at may mga banners pa. Grabe, hindi talaga ako makapaniwala. Ang dami ng nangyari ngayon! Parang dati lang, tuwing dadaan ako sa harap ng maraming tao, nakayuko lang ako sa kanila at hiyang-hiya habang naglalakad kasi all the time pinagtatawanan nila ako at nilalait. Pero ngayon, ibang -iba na ako. Ang saya lang isipin na after three months magmula ng madiscover ako ni Jessie J noon sa daan, ngayon yung mga tao halos lahat sila mahal ako. Medyo nakaipon na nga ako eh mula sa mga kinita ko. Nakakatuwa, ang dami ng nagbago. Hindi lang yun, sa nakalipas na panahon, pati sa mga taong malalapit sa buhay ko marami na ring nangyari. Sina Sherna at Nick, tuloy na tuloy na talaga ang kasal nilang dalawa. Planadong planado na lahat. Hinihintay na lang nila yung wedding date. Si ate naman at si V, hindi ko lubos akalain na naghiwalay sila noon sa kabila ng mala 'Romeo and Juliet' nilang pag-iibigan. Pero ngayon, okay na ang lahat. Nakapag-usap na pala sina ate at yung mommy at kapatid ni Vincent. Okay na daw eh, nanghingi na sila ng sorry dahil mali ang pagkakakilala nila kay ate. Tanggap na siya sa pamilya kaya hindi na sila tutol sa relasyon nilang dalawa. Medyo nahihiya nga lang daw si ate kapag kausap niya yung eomma at noona ni Vincent pero alam kong konting push na lang yan, magiging komportable na si ate. Okay na nga talaga ang lahat. Mamaya nga graduation na namin eh, parang halos lahat na nga talaga na-achieve ko na. Kung siguro meron pa akong pagarap na gustong mangyari, simple lang ang isasagot ko. Hihilingin ko yung tuluyang paggaling ni nanay. Pati na rin yung kaisa-isahan at natatangi kong hiling para sa sarili ko...

Yung sana wag na umalis yung pinakamamahal ko.

"Loreeeeennn!!! Kaway- kaway naman dyan sa best friend kong napakagandang artista!!" narinig kong sigaw ni Sherna na kararating lang. Kasama din pala niya si ate.

"Hi! ^___^" bati ko sa kanila. Lumapit naman sila sa akin at umupo sa tabi ko.

"Grabe ka Loren! Sikat na sikat ka na. Pinakyaw mo lahat ng fans sa Pinas! Ang lakas ng mga tilian, mabuti naman at narinig mo pa din yung boses namin :)" comment niya pa.

"Haha grabe ka, hindi naman ako sikat xD" nahihiyang sabi ko. Binatukan naman ako ng kapatid ko.

"Hmmmmppp. Hambol effect! " sabi niya kaya natawa na lang ako.

"Bakit nga pala kayo, nandito?" tanong ko.

"Wala lang, binibisita ka lang namin. Gusto ka namin panuorin umacting eh. Tsaka para sabay-sabay na rin tayong pumunta sa venue later ^__^" sagot ni Sherna.

"KYAAAAAAHHH!! OMG AYAN NA SIYA!!!"

Sa gitna ng pag-uusap namin, bigla na namang lumakas ang hiyawan ng mga fans sa gilid. Pagkalingon ko, kararating lang kasi pala ni Aaron kaya nagtitilian ang fans niya. At papunta siya dito sa pwesto namin. Yung dalawa kong kasama tuloy nagngitian ng mga ngiting aso para mang-asar. Lam mo naman yang mga yan, ang lalakas mangbully.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon