Chapter 116

86 5 0
                                    


CHAPTER 116

"Aira? Aira?! " may bigla akong narinig na boses na hindi ko alam kung kanino. Tapos bigla na lang bumukas yung lahat ng ilaw sa bahay. At halos magulat ako ng makita ko silang lahat na sama-samang nakatayo sa may sala. Sina nanay at Loren pati yung iba ko pang mga kapatid, si Sherna at si Nick, pati si daddy, si Kuya Gong at yung iba ko pang mga kuya, nandito lahat. Nakapagtataka talaga kung bakit sila nandito ngayon. Pero mas nagtaka ako sa mga mukha nila kasi nagtataka din sila sa akin. Hala? Anyareh? Ang weird namin diba?

"Aira?! What happened?" tanong sa akin ni Kuya Gong tapos tumakbo kaagad siya sa akin.

"Hah? Nothing... Anong what happened? Wala namang nangyari. " sagot ko sa kanya.

"We heard you! You shouted at yourself. You said you did something. Ano yun han? Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Napaisip ako dun sa sinabi niya tapos naaalala ko na lang na napasigaw nga pala ako kanina dahil sa ginawa ko kay V.

"Aaaaahhh... Yun pala yung reason! Well yeah, I'm okay. Very much okay :)" sagot ko sa kanya. Please lang Aira, wag na wag mo sa kanila idaldal yung ginawa mo kanina kundi lagot ka na naman sa kanila. I'm pretty sure that they gonna tease me! Ang landeee kasi eh! My goodness naman kasi Aira! May pasigaw- sigaw pa kasing nalalaman eh! Eh bakit ko naman ba kasi hinalikan si V?! Arrrrgggggghhhh! Hindi naman ako nakadrugs ngayon! Tinigil ko na yung pagsinghot sa pentel pen. Nagbagong buhay na ako. Continuous din naman yung medications ko. Five times ako umiinom ng antirabies. Sobra-sobra na nga sa prescription ng doctor ko para mabilis yung paggaling ko at hindi na ako bumalik sa mental. Pero bakit ganon? Nakakaloka.

"Eh ano yun? Bakit ka ganun magreact? May ginawa ka bang masama Aira? May nahit and run ka ba? Nagtulak ka ba ng droga? Nangholdap ka ba ng banko? Sumali ka ba sa mga terorista? Ano bang ginawa mo??" tanong niya pa kaya natawa ako.

"Kuya. Chill. " sabi ko sa kanya. "Wala talaga yun promise. Let's just not talk about it, okay? Anyway. Why are you here?" sabi ko tapos bigla na lang napakamot ng ulo si kuya. Tumingin naman ako sa iba at nakita ko silang nagkatinginang lahat na para bang nalugi.

"Well, as you can see. We suppose to surprise you 'coz it's your 20th birthday today right? Pero dahil sa sigaw mo, hindi namin nagawa. " sagot naman ni Sherna. Ngayon ko na lang napansin yung suot nilang party hat, mga hawak nilang banner, mga confetti, gifts, at may cake pa silang dala. Taray! Children's party :D

"Ah..." comment ko na lang tapos bigla na lang akong natawa. "Wahahahahaha!!" para akong baliw kasi mag-isa lang akong humahalakhak dun. Ewan ko ba, sari-sari yung dahilan ko. Dahil kasi kanina pa ako masaya, tapos nadagdagan pa dahil akala ko nalimutan nilang lahat na birthday ko ngayon, tapos nakakatawa din kasi palpak yung plano nila sa akin.

"Grabe ka naman besplen. Tinatawanan mo kami porque epic fail yung plano namin T.T"

"Haha! Okay nga eh! Mas masaya! Akala ko nga nalimutan niyo na yung birthday ko eh. "

"Pwede ba yun ate? Syempre hindi!" sabat naman ng kapatid kong maganda na si Loren :D

"Anyway, thanks for the surprise!! Kahit medyo hindi successful, atleast you made an effort for me. Super happy na ako ngayon pa lang. ^___^" comment ko.

"Haha. Come, let's eat and celebrate na. Wag na masyadong madrama dyan, nagsisimula na akong maiyak eh." joke na pang bagets ni daddy kaya naman lumapit na ako sa kanila. After nun, nagsalo-salo na kami sa handa. For me, kahit hindi ngayon bongga yung birthday ko, para sa akin ito yung pinakamasayang birthday na naranasan ko. Kasi nakasama ko lahat ng taong gusto kong makasama sa araw na to at pinasaya nila ako.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon