Chapter 113

76 3 0
                                    


CHAPTER 113

"V!!! ^___^" tuwang-tuwa kong sabi nung makita ko siya ulit. Lumingon siya sa akin tapos ngumiti. Ngayon pa lang, feel ko nang safe ako.

"Bakit? Sino ka ba sa akala mo?!" maangas namang tanong nung unggoy tapos nun ay lumapit na yung iba niya pang kapwa tambay para hamunin si V. Asus, kayang kaya yan ng bodyguard ko!!! Go V! Go V!!

"Boyfriend lang naman ng binabastos mo ngayon. " sagot niya. O____O Wat.

"Ahahaha!!!" tawang pang-asar nung unggoy. "Para namang natatakot ako sayo! Gusto mo matira matibay tayo? Kapag nanalo ka, sige hahayaan ko siya sayo at aalis na ako. Pero kapag nanalo ako, sa akin na siya :D" dagdag niya pa. Haha, si V pa ba? For sure hindi siya papayag na mapunta ako sa kanya noh! Alam kong hindi papatalo si V!

"Nako. Panu ba yan, hindi ako pumapatol sa ganyan?" sabi ni V.

O___O What the hell?! You mean, ipamimigay mo na ako sa kanya?! Akala ko pa naman matapang ka V??? T___T Hate you.

"So inaamim mong talo ka na? Haha! Wala ka pala eh. " sagot nung unggoy tapos bigla ng bumaling ulit sa akin at hinila ulit ako sa kamay. "Halika na." sabi niya pa.

UWAAAAAHHH???!!! TT^TT SAN MO KO DADALHIN?! SA ZOO??? HELP ME V!!!!

"Hep! " pinigilan ulit ni V yung paghila niya sa akin. "Where do you think you're going? Sinabi ko bang papatalo na nga talaga ako sayo? Wala naman diba?"

"Bakit? Ano bang kaya mong gawin hah, bukod sa pag-atras sa hamon? Ano pa?"

"Ewan. " sagot ni V sabay nagkibit balikat. "Basta ang alam ko lang, kaya ko tong kalabitin sa ulo mo. " sabi pa ni V tapos bigla na lang siyang bumunot ng kung ano sa bulsa niya. At halos magulat kaming lahat ng makitang baril yung hawak niya. Kung sa bagay, bodyguard ko siya kaya natural lang na may ganyan siya. Pero majority talaga ng nakikinuod, napaatras nung makita yun. Miski yung kapatid ko natakot at nagtago sa likod ko. Tas yung mga masasamang lalaki, bigla na lang naduwag. Haha!!

"Oh teka. Teka. Teka. Wala namang ganyanan oh. " biglang tumiklop yung lalaking nakahawak sa akin. At sa sobrang takot nga niya, napabitaw siya sa akin sabay umatras palayo habang nakataas ang dalawang kamay na para bang suko na siya.

"Kung hindi mo siya titigilan, hindi ako magdadalawang isip na iputok to sayo. " sabi ni V.

"Sige na. Sige na. Ayan na. Aalis na ako. Hindi ko na siya sasaktan. Sayong- sayo na yang girlfriend mo. " takut na takot na sabi nung lalaki tapos inaya na niyang umalis yung mga kasama niya.

"Tara na! Tara na! Dali!"

"Oh! Ano?! San kayo pupunta?! Bumalik nga kayong mga unggoy kayo! Wala pala kayong laban sa V ko eh! Mga duwag!!!" sigaw ko. Todo yabang pa nga ako eh, pero natigil ako nung hinawakan ako ni V sa kamay.

"Wui. Tama na, wala na sila. " sabi niya. Pero nagbago yung mood ko, nagtaas ako sa kanya ng kilay.

"Ikaw V ah, hindi porque niligtas mo ako papasalamat na kaagad ako sayo ah. Akala mo hindi ko narinig yung sinabi mo kanina? Kelan kita naging boyfriend hah?" sabi ko.

"Bakit? Sinabi ko lang yun para tigilan ka na niya nuh. " sagot niya sa akin.

"Wusssiiiooo... Pwede namang bodyguard yung sinabi mo diba?"

"Eh diba sabi mo, hindi mo na ako bodyguard ngayon? Kaya bakit ko yun sasabihin?" sagot niya sa akin. Oo nga naman!

"Eh kung hindi na kita bodyguard, bakit ka nandito?" tanong ko. Bigla naman siyang ngumiti sa akin.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon