Chapter 92

93 4 0
                                    

CHAPTER 92

HELGA'S P.O.V.

Habang nagmamap ako ng sahig malapit sa kwarto niya, bigla namang dumating yung impaktang Aira na yan. Ewan, kanina kasama niya si Vincent pero ngayon umuwi siyang mag-isa lang. Natempt tuloy akong sundan siya ng palihim. Para kasing gusto ko siyang gawan ng masama ngayon. Alam niyo naman, lubos na ikinatutuwa ng gaya ko ang awayin siya.

"Bessy what are you doing?" bigla namang nagsalita si Rachel nung makita niyang sinusundan ko si Aira. Inis na lumingon ako sa kanya.

"SHHHH!!" sita ko. "Tanga ka ba? Nakita mo na ngang sinusundan ko siya eh!" sagot ko pa. Nagkatinginan naman sila ni Katkat kaya lumapit sila sa akin.

"Why? What's your plan ba?" tanong ni Katkat. Lumingon ulit ako kay Katkat.

"Just keep quiet, okay? We're gonna be screwed if you won't keep your mouth shut." sabi ko kaya naman wala silang ibang nagawa kundi ang manahimik na lang gaya ng pakiusap ko.

Nung makapasok na si Aira sa kwarto niya, agad akong sumilip sa loob since hindi niya naman gaanong naisara yung pinto niya. Nakisilip din naman sina Katkat at Rachel gaya ng ginawa ko. Nakita namin si Aira na papunta na sana sa walk- in closet niya para siguro magbihis kaso nga lang, sa di malamang dahilan bigla na lang siyang napaatras at napasigaw habang nanlalaki ang mga mata sa nakita niya.

"KYAAAH!" tili niya. Nagkatinginan tuloy kaming tatlo. Hindi namin alam kung bakit dahil kaunting awang lang yung nasisilip namin mula sa kwarto ni Aira. Kaya yung part ng nakita ni Aira, hindi namin masilip. Ano ba kasi yung nakita niya at ganyan ang reaction niya?

"A-anong ginagawa mo dito?" parang natatakot na tanong ni Aira. Nakarinig naman kaming tatlo ng isang tawa ng lalaki. Teka...parang kilala ko kung kanino yung boses na yun ah!

"HAHAHA! Bakit? Masama bang pumasok dito sa kwarto ng kapatid ko?" HA! Sabi na eh! Kay Jong yun!! Lumapit kasi siya kay Aira matapos niyang magsalita.

"Kung si Gong nga, freeng free na pumasok dito eh. Pati si Vincent na hindi mo naman kaano-ano, pinapapasok mo. Ako pa kayang boyfriend mo?" dagdag pa ni Jong sabay hinawakan si Aira sa mukha at mas lalo pang lumapit sa kanya na para bang any time hahalikan niya si Aira.

Yung itsura naming tatlo ganito: \(OoO)/

"WAT. Ano daw sabi, bessy? Boyfriend?! As in boyfriend ni Aira yung kuya niya?!" gulat na tanong ni Rachel.

"Naku!! Sinasabi na nga ba, I smell something fishy eh! Kaya pala never ko silang nakitang nag- usap. Akala ko hindi lang talaga sila close na magkapatid o kaya naman magkaaway lang sila. Yun pala, may tinatago silang lihim! Tapos pag nakikita ko si Jong, ang lagkit ng tingin niya palagi kay Aira! Now I know kung bakit!" comment naman ni Katkat.

"Ano ba? Shut up! Ang ingay niyo... Puro kayo comment. Paano kung mahuli tayo ditong sumisilip dahil sa ingay niyo? Pwede namang makinig na lang diba?" masungit na sita ko sa kanila. Hindi naman kasi kailangan ng opinyon nilang dalawa diba? Ang mahalaga ngayon, mukhang may panibago na naman kaming alas laban kay Aira dahil sa natuklasan namin. At oras lang talagang malaman namin lahat, sinusumpa kong iiyak talaga ng dugo yang babaeng yan hahaha!

----

AIRA'S P.O.V

"Argh!" asar na tinanggal ko yung kamay ni Kuya Jong na nakahawak sa mukha ko. "Hindi nga kita boyfriend! Ano ba talagang pumapasok dyan sa kokote mo hah? Magkapatid tayo! "

"Haha! Tingin mo ba talaga sa akin kuya, hah? Tumigil ka nga! Hindi tayo magkapatid!!" sabi niya. Nung narinig ko yun mula sa kanya, hindi ko malaman yung mararamdaman ko. Hindi ko din alam ang irereact ko sa harap niya. Basta ang alam ko, sa sobrang nakakashock ng sinabi niya, halos hindi ko na maigalaw ang buong katawan ko. Para akong naparalyze. Hindi ko nga rin maikurap ang mga mata ko eh. Ang tanging nagawa ko lang ay ang mapalunok sa mga narinig ko.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon