Chapter 86

102 2 0
                                    

CHAPTER 86

LOREN'S P.O.V.

Naglalakad ako ngayon papuntang library para kumuha ng source para sa thesis sana namin. Ang kaso, pagdating ko dun sa may hagdanan, nagtaka ako nung makitang maraming nagkukumpulan na tao. Anong meron?

"No. I'll stay here hangga't hindi ka nakikipagbalikan sa akin. "

Tapos may narinig na lang akong nagsalita. Teka... parang kilala ko kung kanino yung boses na yun.

"Ayoko na nga! Bakit ba ang kulit mo? Papabayaan talaga kita dito! "

O.O Uwaaaahhh! Boses yun ni madam! Sabi na eh, yung kaninang nagsalita, kay Mark na boses yun eh. Anong nangyayari?

Tumakbo kaagad ako papunta dun para tignan kung anong nangyayari dun para malaman ang sagot.

"Uhmm... excuse me... makikidaan lang ho. Excuse... pasensya na... " sabi ko sa mga usiserong nagsisiksikan dun. Ang sasama nga ng tingin sa akin eh dahil parang halos lahat yata gustong masubaybayan yung eksena kaya ayaw magbigay ng space para sa akin. Pero mabuti na lang nagawa kong makapunta sa unahan kaya nakita ko kung anong nangyayari. Si Mark, nakaluhod sa harap ni Madam...

O___O

"Aira... bat ka ba nagkakaganyan? Bakit mo ko nakakayanang tiisin? Wala naman tayong dapat pagtalunan eh. Hindi mo pa naman kasi alam ang totoong nangyari. Pakinggan mo naman kasi yung side ko... Akala ko ba mahal mo ako? Bakit hindi mo ako intindihin? Talaga bang wala ka ng natitirang pagmamahal sa akin hah? Kinuha na ba lahat ni Vincent? Siguro kaya hindi mo ako magawang patawarin dahil nabrainwash ka na ni Vincent ng tuluya--" sabi niya. Pero hindi niya na nagawang tapusin yung sinasabi niya dahil sumigaw na si Madam. Siguro kasi, nauubusan na siya ng pasensya.

"Enough Mark! Enough! " sigaw ni Aira kaya natigilan si Mark. "I said we're done! Is it hard for you to understand that? No need for us to figure it out, Mark. 'Coz I don't wanna hurt and suffer from pain anymore. Maybe it's time for us to be on our different ways. So please stop burning me up before I feel a bit cheesed off. Goodbye! " dagdag niya pa tas tumalikod na at naglakad palayo.

"Aira... :(" sinubukan ni Mark na tumayo at habulin si madam pero wala na din siyang nagawa dahil final na talaga yung decision niya.

Naiwan na lang siyang mag -isa sa gitna... Hopeless.. Malungkot... at pinagbubulungan pa ng mga taong nakapaligid sa kanya. Naaawa ako sa kanya. Gusto ko siyang puntahan sa gitna para damayan pero hindi ko ginawa. Ewan, hindi ko maipaliwanag tong nararamdaman ko pero natutuwa ako sa nakikita ko ngayon. Sabihin niyo nang salbahe ako pero hindi ko talaga maiwasang mapangiti eh. Kaya himbis na puntahan siya at kampihan siya dun sa gitna, pinapanalangin ko pang lalo siyang masaktan dahil ikatutuwa ko talaga yun ng sobra :)

Umalis na ako doon ng nakangiti ng wagas. Tyempo namang nakita kong papasok din ng library sina Helga kaya excited na tumakbo kaagad ako papunta sa kanila.

"What? Really? "

"Yeah! That's true... Super mura nga nung bag na nakita ko sa mall. Ang ganda -ganda tapos seventeen thousand pesos lang. Gosh, super cheap. Siguro imitation lang yun kaya I refuse to buy it because you know naman na hindi ako nagpapatronize ng fake! Eeewww yun! " narinig kong pag -uusap nilang tatlo. Tinawag ko naman kaagad sila.

"Mga bessy!!" sigaw ko habang sinusundan sila.

"Kaya nga! Tama lang yang ginawa mo nuh, wag ka kaagad magtitiwala sa mga ganung mga manloloko. " ang kaso, tuloy pa din sila sa pagchichikahan. Mukhang hindi yata nila ako narinig kaya tinawag ko ulit sila.

"Bessy!! "

"Yeah, buti na lang makilatis ako sa mga ganyang mga bagay. Okay lang naman sa akin na sobrang mahal nung gamit na gusto kong bilhin eh. Basta genuine siya, matibay tsaka syempre maganda. Ayoko ngang pahuli sa fashion. " sige pa din sila sa kakausap sa letseng bag na yan. Kanina pa kaya ako sumisigaw dito. Pero kailangan kong magpasensya lalo pa at maganda ang mood ko ngayon, mahirap na baka mawala kaya kinalabit ko na lang si Helga para lumingon na talaga siya sa akin.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon