Chapter 7

343 7 0
                                    

CHAPTER 7

Naiwan akong mag -isa sa harap ng mga classmates ko. Ng tignan ko sila, nakita ko ang iba, ewan pero mukhang takot pa din sa akin kaya yumuko na lang din sila. Yung iba naman, nagpipigil ng tawa.

Sa ginawang pagpapahiya sa akin ng baklang yun.. at sa nakikita ko ngayon, parang gusto kong humati ang lupa sa gitna at magpahulog na lang dun. Pinagkakaisahan nila ako!

Wala akong kakampi.. tanging si Mark lang ang nagtangkang tumulong sa akin, tinakwil ko pa.

Sina Sherna at Loren.. hindi ko naasahan.

Talaga kayang walang nagmamahal sa akin?

Uh! Mali tong iniisip ko! Bakit ako aasa sa ibang tao? Hindi ako mahina!!

"Anong tinatawa -tawa niyo? " nagcross arm ako at mataray kong tinanong ang mga classmates kong pinagtatawanan ako ngayon. Kahit naiiyak ako ngayon, kahit walang nagmamahal sa akin, even though I am being insulted right now, ayokong isipin nilang mahina ako. Hhhmmmpp!! Kahit magsama-sama pa silang lahat, kaya ko silang labanan!!

Ng magsalita ako, halos lahat sila natahimik. Yung mga palihim na pinagtatawanan ako, tumigil din at yumuko na lang o kaya naman sa iba na lang tumingin.

"All of you guys, don't you ever laugh at me. I don't need that stupid pity of yours to make me feel good. Okay!? " sabi ko sa kanila. Naglakad na ako paalis. Ayoko kasing makasama ang mga plastic kong mga kaklase. Ang kaso, ng makapunta ako sa pinto ay huminto ulit ako para magsalita. May nalimutan kasi akong sabihin eh.

"And one thing more.. sinusumpa ko, with or without your help, makukuha ko din si V! I will make him a real and a straight man. At pag nangyari yun, babawiin niyo lahat ng tinawa niyo sa akin ngayon! Remember that!! " sabi ko then I left.

Dumeretso na lang ako sa pantry ng campus namin para magpalamig ng ulo. Pero akalain niyo bang sumunod sa akin ang dalawa kong achay na sina Sherna at Loren!? Aba'y lalong nag -init ulo ko!!

"Madam!! " naririnig ko yung boses ni Loren mula sa kalayuan na sumisigaw. Maya-maya naaninag ko silang dalawa ni Sherna na papalapit sa akin.

"Are you alright!? Iiyak ka na ba? " tanong ni Sherna ng makarating siya sa harap ko. Umupo silang dalawa sa tabi ko at niyugyog ni Sherna ng hindi ko siya pansinin. Ganda kasi ng tanong eh noh.. Iiyak ka na ba? Haha! Sarap niyang batukan -.-

"Uy.. iiyak ka na ba? " pangungulit ni Sherna sa akin. Tinitigan ko sila ng masama. Di naman kasi nakakatulong sakin ang mga to eh! Panira lang ng pagdadrama ko. Haler, mag eemote kaya ako! San bang parte ng "I want to be alone" ang hindi nila magets? At isa pa, bakit di man lang nila ako ininform dun sa about kay V?

"Oh! By the way, thanks to the both of you nga pala hah!! " Sarcastic na sabi ko sa kanila. "You already have an idea that Vincent is gay but you never told me about this!? Nagmukha akong tanga nung sinabi kong type ko siya! Sana kasi binalitaan niyo ako kahit papaano diba? And, almost everyone in the classroom knew it too. So that means, am I the only late updated here!? Pinagtawanan tuloy ako sa plano ko!! " dagdag ko pa. At sa takot nila sa akin, nagdahilan na lang sila.

"Ehehe ^_^v I'm so sorry about that Aira.. but kahit ganun, may kasalanan ka din naman eh. You've been absent last day right? That's why you didn't saw him introduced himself in front of everyone on his first day in our section. He told us that he's gay but unfortunately, you didn't attend the class. I tried my best to warn you when you decided to make him your boyfriend. I tried my very best to have a talk with you for I am concern with you but I didn't have a chance. You immediately accused me that I'm jealous. Now, you already know the reason why I am disagree to your plan. I am not jealous, he's not my type because he's a gay. I told you before that you will be hurt if you'll push your decision but you covered your ears for you to be unable to hear my advice. Then now, look what happened!? " -- Sherna.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon