Chapter 78

90 3 0
                                    

CHAPTER 78

AIRA'S P.O.V.

Pababa na sana ako ng maabutan ko sa hagdan yung tatlo kong alipin na himbis na maglinis, nagchichikahan at nagtatawanan pa habang nagbabasa ng news feed sa facebook. Madaling araw na hanggang ngayon ganyan pa din sila? Kauuwi ko pa lang tapos ito maaabutan ko. Palibhasa kasi, ang alam nila tulog ako kaya opportunity nila to. Nakita na nga nilang madumi dun, wala pa din silang pakielam. Arrrggghh!! Iniinis talaga nila ako! Sinabi na ngang maglinis muna bago usap eh nuh?! At dahil dyan, humanda kayo sa gagawin ko!

Kinuha ko kaagad yung cellphone ko at naglog in sa fb account ko. Pagkatapos ay nag -upload ng mga pictures ni Helga na naglilinis ng banyo, si Katkat naman naghuhugas ng pinggan at si Rachel naman naglalampaso ng sahig habang mga nakasuot sila ng pangkatulong na uniform.

-Facebook Notification sound-

"Bessy, nagpost si Madam! " narinig kong sabi ni Rachel tapos ay lumingon pa sa likod niya. Nakita niya naman ako kaya nagulat siya. Pero nung makita niyang nakataas ang kilay ko habang nakangiti at nakacross arm pa, umiwas siya kaagad ng tingin na para bang takot na takot siya sa akin.

"Yeah right, hindi ako bulag. " mataray na sagot ni Helga sabay inopen na yung notifications niya. At nung makita nila na mga pictures lang pala nila ang pinagtripan kong iupload, pabulong akong nagbilang ng hanggang lima. I'm sure magrereact yang mga yan in...

5

4

3

2

1

O_____O

"Grrrrrr!!! WHAT THE F*CK?!! " asar na reaction ni Helga na para bang leon sabay tayo at agad na umakyat ng hagdan para siguro puntahan ako sa kwarto. Pero gaya ni Rachel, nagulat siya ng makita ako na nakatayo lang sa likod nila kaya napahinto siya.

"San ka pupunta Helga? Susugudin mo ako sa kwarto ko? No need, nandito na ako. Hindi mo na kailangang magpagod. " sabi ko. Nakita ko naman na nagform yung kamay niya na para bang gigil na gigil.

"Grrrr!!! What's the meaning of these? Tell me! Bakit mo inupload yan hah? How could you?! " inis na tanong niya sa akin habang pinapakita yung picture sa phone niya.

"Why? May reklamo ka? " sabi ko.

"Just delete it! Now." serious na niyang utos sa akin.

"Why would I? Ang cute niyo nga dyan eh. Look, 5 minutes pa lang ang nakakalipas ng iupload ko to photos niyo, 765 na kaagad ang naglike? Imagine? Grabe, pumatok sa lahat, akalain niyo yun?! Sikat na kayo girl! You should thank me for that. " sabi ko tas pinakita pa yung notifications ko na napuno na ng pangalan ng kung sinu-sinong naglike. Pasalamat pa nga dapat sila dahil kahit papaano, napantayan nila yung profile picture ko na may pinakakaunting like. Madalas kasi puro 1,800- 3,000+ ang likers ko eh. Pero at least diba? 765 likes din yun! Not bad. Sikat na sila dahil sa akin!

"Isa... burahin mo na yun ngayon kung ayaw mong magalit ako sayo ng tuluyan. " sabi niya pa.

"Edi magalit ka? Like I care duh? Akala mo natatakot ako sayo? Katulong ka lang naman dito huy! Kaya lumugar ka! Wala kang karapatan na utusan mo ako kasi ako dapat ang mag -utos sayo. Kaya linisin mo yung bakuran! Ngayon na! " sagot ko. Bigla naman niya akong binigyan ng death glare.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon