Chapter 104

90 4 4
                                    

CHAPTER 104

"Oh! Long time no see, my dear students! :) Namiss ko yung mga favorite kong estudyante." sabi sa amin nung bestfriend kong si guidance councilor. Tama nga naman siya, ngayon na nga lang ulit kami nagkita ng matandang hukluban na to.

"Ikaw hindi ka namin namiss." sagot naman kaagad ni Sherna sa kanya sabay umirap. Oo kasama ko siya dito pati na din si V. At alam niyo kung bakit kami nasa guidance? Eh matapos ba naman ng nangyari kanina talagang ineexpect ko ng dito ang bagsak naming tatlo.

"Aba... Hindi ka pa din nagbabago Ms. Watson, ganyan pa din ang ugali mo :)" comment sa kanya ni guidance councilor. "So... Ano naman ang ginawa niyo at napasyal kayo dito?"

"As usual, may hinighblood na naman kaming professor. Diba dapat alam mo na yun dahil sanay ka na?" sagot ni Sherna sa kanya sabay umirap.

"Oh well, kung sa bagay nga naman... Pati nga ako, nagsisimula na ring mahighblood sayo :) "

"Really? Kung ganun, excited na akong matuluyan ka na :)" sagot pa ni Sherna kaya naman sinita ko na siya.

"Sherna, shut up!" nagmamakaawa na ako sa kanya. Tong bestfriend ko kasi, masyadong palaban eh. Hindi macontrol yung bibig.

"Narinig mo yang kaibigan mo? Bat di mo siya gayahin? Bawasan mo yung kamalditahan mo." sita sa kanya ni guidance councilor.

"Ayoko nga! Lalo pa at hindi naman dapat kami nandito. Kaya hindi ako natatakot sa inyo! Wala naman kaming ginagawang masama eh. Tahimik lang kami dun kanina! Pero yung mga classmates namin, pinagtulungan si Aira. Pinagtanggol lang namin siya! Kaya kung pinagbibintangan mo din kami, nagkakamali ka!"

"Sherna, can you just please accept everything? Accept the fact that your friend do not have the power to manipulate us anymore so if I were you, I won't be too much tough. Hindi sa lahat ng panahon, kayo yung bida-bidahan. Kaya ngayon, pagdusahan niyo yung mga kasalanan niyo ngayon! Kasi, halos lahat kami gustong gusto namin kayong bumabagsak. At kapag nangyari yun, isa ako sa mga unang hahalakhak. "

--

"Wait, Aira... What happened?! Nagtatampo ka ba?" tanong ni V sa akin habang hinahabol nila ako ni Sherna. Katatapos lang kasi naming manggaling sa guidance office. Huminto ako sa pagtakbo at iritableng lumingon sa kanilang dalawa.

"Sinabi ko sa inyong wag na kayong mangielam diba?! Bakit ba kasi hindi niyo ako maintindihan?" malungkot kong tanong sa kanila.

"Ayaw mo ba ng pinapakita namin? Gusto ka lang namin ipagtanggol..." sagot naman ulit sa akin ni V.

"Naappreciate ko naman yun eh! But I told you that I am okay, right?! Sana hindi niyo na lang ako pinagtanggol. Naiinis tuloy ako lalo sa sarili ko kasi napapahamak din kayo. Nang dahil sa akin, pati kayo nadadamay. "

"Pero okay lang naman sa amin tong ginagawa namin eh. Hindi mo naman kamin inoobliga, kusang loob namin tong ginagawa kasi gusto ka talaga naming ipagtanggol. Gusto kitang protektahan, Aira... Diba yun yung pinangako ko sayo? Kaya sana wag mo kong pigilan sa gusto kong gawin para sayo. Sana intindihin mo tong ginagawa namin ni Sherna sayo. "

"Yeah, I agree. I don't care kung masuspended kami ng three days. Kahit umabot pa yan ng months, o kahit pa hindi kami makagraduate. Ang mahalaga sa amin, yung ipagtanggol ka. At least kampanti kami na hindi kami nagkulang as your friend. " sabi naman ni Sherna.

"Pero hindi yun sa akin okay!" pasigaw na sabi ko sa kanila. Naiinis na ako, hindi nila ako maintindihan. "Okay lang naman sa akin na lait-laitin eh. Okay lang sa akin na saktan nila ako. Titiisin ko yun basta wala sa inyo yung madadamay. Ilang beses kong pinakiusapan yung guidance councilor na sana ako nalang yung magkarecord at masuspended ng tatlong araw pero wala din akong nagawa. Kasi nga tama naman silang lahat, wala na akong power sa school na to. Wala na akong maipagmamalaki. Isa na ako ngayong kahihiyan. Kaya kahit anong opinion ko, kahit gaano pa katama yung sabihin ko, hindi naman nila ako papaniwalaan o papakinggan man lang. Kasi ayaw nila sa katulad ko. Lahat ng gusto at mga gagawin ko, sasalungat sila. Kaya wag niyo akong sisihin kung naiinis ako ngayon sa sarili ko. Kasi yung mga kaibigan ko na natitirang kakampi ko, nadadamay ng dahil sa akin kahit walang kasalanan. Ayoko ng ganun kasi ako mismo yung nagpapahamak sa inyo. Tama ng ako na lang yung makaranas nun, wag lang kayo." sagot ko na halos maiyak na. Lumapit sa akin si Sherna para siguro akbayan ako at damayan sa lungkot na nararamdaman ko. Pero hindi ko siya hinayaan at lumayo kaagad sa kanya.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon