Chapter 130

94 3 0
                                    


CHAPTER 130

"Haaaayyy ang saya naman... The best talaga yung desisyon natin. Binawi na sayo yung condo unit mo. Pati mga atm mo at yung kotse mo, wala na din. San na ngayon ang punta mo? Sa kangkungan ka na ngayon pupulutin." sabi ko kay V habang nakaupo kami sa labas ng condominium. Wala na eh, para na kaming pulubi ngayon. Maghihintay na lang kami ng himala dito ngayon.

"Wag ka naman ganyan higad. Ikaw na nga lang natitira sa akin eh, pati ba naman ikaw madidiscourage?" sabi niya naman sa akin.

"Sinabihan na nga kasi diba? Mali talaga to. Ang saya nga nating dalawa! Hindi nga tayo napaghiwalay ng eomma mo. Pero tignan mo naman yung nagyari, nilimas na niya lahat sayo. Ano ng mangyayari sa atin nyan?" sabi ko sa kanya. Lumingon siya sa akin ng magkasalubong ang kilay, mukha yatang nainis sa sinabi ko.

"Diba sabi ko sayo kakayanin ko lahat ng hirap basta kasama kita? Bakit mo ba yun iniisip? Ano bang problema mo, bakit ka ba laging nagagalit sa akin?! Bakit ba lagi mo sa akin sinasabi na mali tayo samantalang dito naman sa desisyon ko ako sasaya?" nagsisimula na nga siyang magalit sa akin. Kaya tuloy ako nag-init na din ang ulo. Tumingin ako sa kanya ng galit.

"Eh kasi ako hindi masaya!" nagtaas na din ako ng boses sa kanya. "Mag-isip ka nga V! Sa tingin mo ba sasaya tayo kung ganito yung sitwasyon natin ngayon hah? "

"Oo naman! Bakit hindi ba? Ano bang klaseng tanong yan hah?! Sabihin mo nga sa akin hah, panu mo nasasabing hindi ka masaya sa akin? Mas gusto mo bang wala ako sa tabi mo hah? Kakayanin mo bang maghiwalay tayo?" tanong niya sa akin.

"Basta ako ayoko ng ganito! Kung ikaw sabi mo kakayanin mo lahat ng hirap basta kasama ako, pwes ako hindi. Kung sabi mo masaya ka sa desisyon mo, ako hindi ako masaya. Hindi ko kayang makitang ganyan ka! Hindi ako masayang nakikita kang nahihirapan ng dahil sa akin." sabi ko sa kanya.

"Eh aanhin ko nga yung masarap na buhay na dadanasin ko kung wala ka?! Hindi mo ba magets yung point ko hah?! Okay lang sa akin mawala ang mga yan. Bagay lang naman yan eh, kakayanin ko pa ding mabuhay ng wala yan. Pero kung ikaw yung mawawala sa akin, yun ang hindi okay. Kasi ikaw yung reason ko para mabuhay. Kung nakikita mo akong nahihirapan ngayon, wala pa yan sa dadanasin ko kung mawawala ka sa akin. Kung ngayon naaawa ka sa akin dahil wala na akong tirahan, sinasabi ko sayo, bagay lang yan. Hindi ka niyan matutumbasan. Kung tutuusin pwede akong tumuloy sa hotel eh. O kaya naman pumayag ako sa alok ni Jack na tumuloy muna ako sa kanya. At ngayong wala na akong kotse, kayang kaya kong magcommute. Pero sa tingin mo kung mawawala ka sa akin, anong gagawin ko? Pwede mo ba sa akin sabihin na pumunta ako sa bar para palitan ka? Pwede mo bang sabihin na puntahan ko si Cashley at pagtyagaan na lang siya? Hindi yun ganun Aira, mahirap ka kalimutan! At ayokong gawin yun sayo kasi mahal kita. Naiintindihan mo ba ako hah? Doble yung hirap na mararamdaman ko kung ipagtutulakan mo ako kay eomma." sagot niya sa akin.

"Hindi! Hindi kita maintindihan kasi puro iniisip mo lang puro tayo. Ang gusto ko isipin mo din yung sarili mo! Sinasabi mo sa akin ngayon na intindihin kita, eh paano kita maiintindihan niyan kung sarado naman yang utak at tenga mo na pakinggan naman yung side ko?! V naman, magtira ka ng pagmamahal sa sarili mo wag mo ibuhos lahat sa akin. Kasi ako mismo yung naaawa sayo eh. Alam ko naman na ngayon mo lang yan nasasabi kasi nagsisimula pa lang mawala lahat sayo. Pero kalaunan, kapag naranasan mo na talaga yung matinding hirap, dun mo pagsisisihan lahat. Ikaw na rin mismo ang susuko at magsasabing ayaw mo na. Dun mo na lang marerealize na tama ako. At magsisisi ka na sana nakinig ka sa akin noon pa. " sagot ko sa kanya.

"Bakit ba wala kang tiwala sa akin? Matapos lahat ng ginawa ko, sasabihin mo na sa huli susuko din ako? Naisip mo ba kung gaano kahirap pumili sa inyo ng pamilya ko? Kahit masakit sa akin na iwanan sina eomma, ikaw pa din yung pinili ko kasi mahal kita. Tapos dito sa simpleng bagay na nawala sa akin sasabihin mo susuko din ako dito sa mga nangyayari sa akin? " sabi niya.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon