Chapter 135 <FINAL CHAPTER>

192 6 0
                                    


CHAPTER 135 <FINAL CHAPTER>

Two Years After...

AIRA'S P.O.V.

Lahat ay gagawin para sayo

Ganyan ang alay na pag-ibig ko

Kahit ang dagat ay aking tatawirin

Ang ulap may aking aabutin

Sayo'y walang hindi kayang gawin~

Two years na ang nakalilipas matapos ng lahat ng pagsubok na pinagdaanan namin ni V. Ngayong araw na to, inaalala ko ulit lahat ng nangyari simula nung una ko siyang makilala hanggang sa kasalukuyan. Maraming nangyari, maraming nasaktan, maraming umiyak, at maraming naging problema. Pero sa lahat ng nangyari, wala pala talaga akong pinagsisisihan. Noon, puro hinanakit ang mga sinasabi at naiisip ko eh. Dati sinisi ko pa siya kung bakit ko pa siya nakilala. Kinainisan ko pa ang sarili ko dahil ako ang may dahilan kung bakit nangyari lahat ng paghihirap na dinanas ko. Pero narealize ko na ngayon na lahat talaga ng bagay may dahilan. At lahat ng nangyari noon sa akin, lahat ng problemang dumating sa akin noon, pinasasalamatan ko ang Dyos dahil nangyari sa akin yun. Kasi kung hindi dahil sa mga naexperience ko noon, hindi ko siguro nararanasan to ngayon. Hindi ko siguro nakikita ngayon si V na naghihintay sa akin sa dulo ng simbahan habang naglalakad ako ngayon sa gitna ng pasilyo.

~Langit ang alay na pag-ibig mo

Wala na ngang mahihiling ako

Umasa kang laging ikaw

Ang siyang mamahalin

Sa isip sa puso at sa damdamin

Ayokong mawalay ka pa sa akin~

Oo, ito yung araw ng kasal namin ng pinakamamahal kong si V.

~Ikaw ang hulog ng langit

Ikaw ang aking pag-ibig

Ikaw ang katuparan

Dito sa aking daigdig

Ikaw sa akin ang bituin

Walang kupas ang ningning

Ligaya kang walang hanggan

Ako'y sayo at ika'y para sa akin~

Habang inaalala ko lahat ng mga nangyari two years ago, hindi ko mapigilan na mapangiti at mapaiyak sa saya. Miski rin siya eh, kahit malayo siya sa akin ngayon, nakikita ko siyang nagpupunas ng panyo sa mga mata niya. Si daddy, umiiyak din. Kaso iba ang dahilan niya. Hindi niya pa daw kasi kayang ibigay ako sa mapapangasawa ko. Mawawalan na siya ng prinsesa eh hahaha. Hindi ko talaga maimagine hanggang ngayon, akalain mong ang baklang lagi ko lang inaaway noon ang makakatuluyan ko pala ngayon? Akalain niyo, nakayanan namin lahat ng trials na dinanas namin? Hahaha ang saya, ngayon naniniwala na ako sa kasabihang 'Sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ng tuloy'.

Langit ang alay na pag-ibig mo

Wala na ngang mahihiling ako

Umasa kang laging ikaw

Ang siyang mamahalin

Sa isip sa puso at sa damdamin

Ayokong mawalay ka pa sa akin~

Ngayong narito na ako sa simbahan, gusto ko din ulit magpasalamat sa panginoon. Kasi marami pang nangyari after ng graduation namin. Right after ng graduation namin two years ago, nakapagtrabaho kaagad ako sa airline namin. Si Vincent naman same din at nagtatrabaho na din siya sa corporation ng pamilya nila. Si Sherna naman, three months na yung dinadala niyang panganay nila ni Nick. At si Loren, sobrang sikat na sikat na ngayon. Marami na ring nainvest. Nakapagpundar na ng tatlong bahay dahil sa sunud-sunod niyang mga projects. Si Kuya Gong, nahanap na din ang kanyang 'the one'. Halos lahat masaya na ang kinahantungan ngayon. Ang pinakamasakit lang na nangyari para sa akin, ay nung mamaalam na sa amin si nanay one year ago. Hindi na kasi kinaya ng katawan niya yung sakit niya eh. At wala na ring nagawa yung pagpapagamot sa kanya. Kaya ngayon, pagkatapos ng wedding, gusto ko siyang dalawin sa puntod niya para ibalita sa kanyang okay na ako at maganda na ang buhay ko kasama yung asawa ko. Tapos yung mga taong nanakit sa akin noon kagaya ni Kuya Jong, nahatulan na, mahaba-habang panahon din ang itatagal niya sa kulungan. Si Helga naman, kagaya ng ginawa niya sa akin noon, naging laman din ng TV at dyaryo. Balita ko kasi unti-unti ng naba-bankrupt yung company ng pamilya nila. Nabalita kasing may nangyayaring nakawan sa kanila na kagagawan din mismo ng mga board of directors kaya hindi nila magawang mabawi-bawi yung net loss ng company nila. At yung mga kaibigan niya, si Katkat nabuntis ng kuya ni Rachel. Pero hindi siya pinanagutan at tinakasan pa siya kaya magkaaway ngayon yung dating magkaibigan. Sila-silang magpapamilya, nagdedemandahan.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon