Chapter 97

83 2 0
                                    

CHAPTER 97

MARK'S P.O.V.

"Aira! :D" sobrang tuwa kong tawag sa kanya nung matyempuhan ko silang dalawa ni Sherna na nag-uusap dun sa pantry. Syempre pumunta kaagad ako dun sa kanila at tumabi kay Aira. Nakita kong medyo hindi maganda yung expression ng mukha niya pero hindi ko na lang yun pinansin.

"Uhm... I think, I have to go... Oo nga pala, may date kami ng fiance ko ngayon. So panu ba yan? Bye-bye na muna!" sabi ni Sherna na mukhang nakahalata na kailangan naming mag-usap ni Aira kaya minabuti niya na lang umalis kesa naman sa makasagabal siya.

"What? Wala kayong date! Diba nabanggit mo sa akin last time, may photoshoot siya ngayon?! " tutol ni Aira sabay hinila ng wagas yung dulo ng damit ni Sherna nung mapansin niyang tumayo na to para maglakad palayo dahil ayaw niyang maiwan kasama ako.

"Ah eh... Hehe... Sabi ko ba yun?" nabisto yung alibi ni Sherna. Mabuti na lang walang makakapigil sa kanya. "Meron nga, nalimutan ko lang. Sige na... See you tomorrow :) "

"No! Stay here!" pilit ulit ni Aira tapos tumayo din siya at hinila ng pwersahan si Sherna pabalik. Mabuti na lang at di nagpatinag si Sherna at nilabanan niya yung hila ni Aira kaya nung makawala siya, tumakbo na kaagad siya paalis habang kumakaway pa sa amin. Gustuhin man ni Aira na habulin siya, hindi niya na lang ginawa kasi wala naman talaga siyang magagawa eh, nakalayo na si Sherna. Next time nga ililibre ko yang si Sherna, at least nakatulong siya ngayon sa akin :)

Nagulat naman ako ng biglang walang pasabing lumayas si Aira sa harap ko, umirap pa nga eh. Syempre hinabol ko siya.

"Uy teka Aira, san ka ba pupunta? " sabi ko pa habang pinipilit pantayan yung paglalakad niya na pilit niya namang binibilisan para malayuan ako.

"Kahit san basta wala ka!" masungit niya namang sagot sa akin habang kumakaripas pa din ng takbo. Mabuti na lang at nahawakan ko yung kamay niya kaya hindi na siya nakapaglakad ng mabilis. Lumingon siya sa akin ng inis, ako naman hindi na yun pinansin at tumingin-tingin lang sa paligid.

"Wow! Bago to ah! Asan yung buntot mo? Swerte wala siya. Sana laging ganito para may chance ako :D" sabi ko tas bigla ko na lang kinuha yung bag niya para bitbitin. Nagulat nga siya eh, pero sorry nakuha ko na, wala ng bawian!

"Akin na muna to ah. Ayoko kasing mapagod ka :D" paalam ko sa kanya nung makita kong magkasalubong na yung kilay niya. Umirap lang naman siya at hindi na umimik tas dere- deretso ng naglakad. Hinabol ko ulit naman siya.

"Ano Aira? Kumain ka na ba? Tara kain tayo sa labas? San gusto mo?" ang daldal ko. Ayaw niya kasi akong kausapin eh.

"Kumain na ako." maiksi niyang sagot na hindi man lang tumitingin sa akin.

"Eh kung ganun, san ka pupunta?" tanong ko ulit. At last, huminto na siya at lumingon sa akin. Ang kaso...

"Uuwi." sagot niya sa akin sabay pwersahang hinila sa akin yung bag niya tas naglakad na ulit.

"Tara hatid na kita." niyaya ko siya sabay hinila na siya papunta dun sa basement kung san nakapark yung kotse ko. Pero this time, napuno na talaga si Aira sa kakulitan ko. Padabog niyang tinanggal yung kamay kong nakahawak sa kanya sabay tumitig sa akin ng masama.

"Trip mo, Mark?" tanong niya sa akin.

"H-hah?" naguguluhan ko namang tanong.

"Bakit ba ang kulit mo? Bakit mo ba ginagawa tong lahat? Kulang ka na ba talaga sa pansin hah?" inis niyang pagkaklaro dun sa nauna niyang tanong.

"Obvious naman na pinopormahan ulit kita diba? Bakit masama ba tong ginagawa ko? Gusto lang naman kitang suyuin eh." sagot ko.

"Diba sabi ko ayoko na?! Itigil mo na yan! Wala kang mapapala!" sigaw niya.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon