Chapter 81

195 8 9
                                    

CHAPTER 81

V'S P.O.V.

"Well... well... well... nandito na pala ang mahal na prinsesa. " sabi nung boses na narinig ko na sa tingin ko ay si Helga. Pababa na kasi ako ng hagdan para uminom pero siguro may nag -uusap dun sa baba.

"Aaaawwww... Bat ka umiiyak? What happened? :(" habang pababa ako, naririnig ko pa din ang parang naaawa niyang tanong dun sa kausap niya.

"It's non of your f*cking business! Leave me alone! " matapang pero humihikbi namang sagot ng kausap niya. Teka... boses ni Aira yun ah! Umiiyak siya? Agad akong tumakbo pababa para malaman kung anong nangyari.

"Hey chill! I'm just asking, don't shout at me. " sabi ni Helga. Pagkasilip ko, nakita ko silang tatlo na nakapaligid kay Aira na nagmumukmok lang sa sulok. Halos mamula na nga siya kakaiyak eh. Ano bang nangyari? Nag -aalala na ako sa kanya...

Hindi naman siya pinansin ni Aira at tumungo na lang sa mga tuhod niya at humagulgol ulit kaya naman nagsalita ulit si Helga. Kahit kelan talaga papansin tong babaeng to.

"Okay wait... Since you don't have an intention to tell us, just let me guess... " sabi ulit ni Helga tas umacting ng nag -iisip. Maya-maya nagsalita ulit siya. "AHA! Nangyari siguro yung ineexpect ko nuh? Am I right? " dagdag niya pa. Tumingala ulit sa kanya si Aira at tinitigan siya ng masama. Tapos bigla na lang silang nagtawanan at nakipag apir sa isat -isa.

"Haha! You don't have to tell us, we got it!! ^0^" tuwang-tuwa namang sabi sa kanya ni Katkat. Sa pang -aasar sa kanya ni Katkat, lalo pang tumulo yung mga luha niya sa mga mata kaya tumungo na lang ulit siya. Teka, bat ba hindi lumalaban si Aira sa kanila?

"Poor Aira... ano masakit ba? " asar pa ni Helga sa kanya.

"Tamang-tama pala yang pagsusuot mo ng black sa pagluluksa mo ngayon eh haha! " asar pa sa kanya ni Rachel. This time, sumagot na si Aira.

"Stupid! Naghahanda lang ako sa mga lamay niyo. Kawawa naman kasi kayo, baka walang dumalaw kahit isa!"

"Talaga? May gana ka pang mamilosopo. Why don't you just focus on your problem?" sabat naman ni Helga.

"Eh ikaw, bakit hindi ka na lang din magfocus sa sarili mo? Bakit pati ako pinapakielaman mo? "

"Because I want to make you feel terribly abashed! " sagot sa kanya ni Helga. "So... anong feeling? "

"Get lost! I don't need your presence here. " asar na sabi ni Aira sa kanila. Tumawa naman si Helga.

"Why? Concern lang naman ako sayo eh! "

"I said get the hell out of my face now!!! " sigaw ulit ni Aira sa kanila na nanginginig pa ang boses kaiiyak. Tumawa naman si Helga.

"Haha! Fine. Fine. Fine. Pagbibigyan kita ngayon. Let's go na nga mga bessy! Hayaan muna natin siyang magdrama dito... " sabi ni Helga tas naglakad na palayo. Nakita ko namang lumapit si Katkat sa kanya at nagpat sa balikat niya.

"Kaya mo yan friend! We're here for you! Kapit lang xD " tinapik naman ni Aira yung kamay niya.

"We're not friends! " asar na sagot niya. Tumawa na lang si Katkat sa kanya tas sumunod na sila ni Rachel kay Helga na nauna nang naglakad. Pagpunta nila sa hagdan, nakita ko pa silang nagtatawanan. Pero nagulat sila ng makita nila ako kaya natigilan sila. Wala naman silang sinabi sa akin at nagtaas lang ng kilay tapos nilagpasan na nila ako. Nung makadaan sila sa akin, nagtawanan ulit sila. Tumakbo naman kaagad ako papunta kay Aira.

"Aira! " tawag ko sa pangalan niya. Nung nakita niya ako, mas lalo siyang umiyak.

"V!!! :'(" humahagulgol niya namang banggit sa pangalan ko na para bang gusto niya ng karamay. Umupo ako sa tabi niya.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon