Chapter 77

90 2 0
                                    

CHAPTER 77

Kinabukasan.

Habang wala akong magawa dito sa bahay, naisipan ko na lang muna na magpahangin lang dito sa terrace at tignan ang magandang view ng buong BGC. Pero maya-maya lang, bigla na lang ako nakaramdam na parang may papalapit sa akin kaya lumingon ako. Pagkakita ko, si V papalapit na sa akin habang nakangiti pa. Bakit ganito? Bakit parang sa tuwing makikita ko siya natetense ako? Natutuliro ako. Ano bang meron sa kanya?

"Hi :)" sabi niya nung makalapit siya sa tabi ko. Lumingon ako sa kanya pero ang layo ng tingin niya. Pero narealize niya naman na nakatitig ako sa kanya kaya tumingin din siya sa akin at ngumiti. Syempre automatic na umiwas ako ng tingin. Mahirap na, baka isipin niya may gusto ako sa kanya.

"Okay lang bang dito muna ako sa tabi mo? Naiilang ka pa din ba sa akin? " tanong niya.

"It doesn't make sense. " sagot ko habang umiiling. "Kahit ilang beses ko namang sabihin sayo na lumayo ka, hindi mo naman susundin diba? " dagdag ko pa.

"Kung sa bagay. " pag -agree niya tapos pinagmasdan ulit yung view sa labas. Hindi na rin naman ako sumagot kasi wala naman akong sasabihin sa kanya. Kaso nagsalita ulit siya.

"Gabi na ah, bakit nandito ka pa din? Ayaw mo pang matulog? " tanong niya sa akin. Umiling ako.

"Nalulungkot ako eh. Gusto kong marelax man lang. "

"Hah? Bakit ka naman malulungkot? May problema ka ba? " nag -aalala niyang tanong sa akin.

"Hindi, wala. Anukaba. " sabi ko. "I mean naboboring ako. " pangongorect ko pa.

"Naboboring? Isang tawag mo lang naman kay Mark o kaya sa mga friends mo, pwedeng -pwede naman kayong magkita ah. "

"Ewan, hindi ko sila macontact. Baka busy. Hindi naman kasi all the time, ako yung priority nila diba? May kanya -kanya silang buhay. " sagot ko.

"Edi si Gong na lang tawagan mo. " suggestion niya.

"May trabaho siya. Di ko siya pwedeng guluhin. Alam mo naman na minsanan lang siya umuwi dito sa bahay sa sobrang busy niya. "

"Oo nga pala. Wala ka bang ibang kapatid? Edi sila na lang tawagan mo. "

"Yung dalawa ko pang kuya, may mga sarili na ring mga buhay. Palibhasa mga pamilyado na eh kaya nakakalimot na. Tuwing pasko lang sila dumadalaw dito. Si Kuya Jong na lang talaga ang natirang kasama ko. Siya pa tong hindi ko kahit kailan makasundo. "

"Edi si dad mo na lang... Lambingin mo siya, tawagan mo siya ngayon at sabihin mong namimiss mo na siya. "

"Nasa Australia siya ngayon. At since magkaiba ang time dun dito sa Philippines, for sure nasa work niya yun ngayon. Ayokong guluhin siya dahil alam kong nagpapakapuyat yun dun lagi para sa company namin. Minsan lang din kami magkausap sa phone or sa chat. Madalas pa hindi niya ako sinasagot kapag tungkol lang sa walang kwentang bagay. Kailangan puro about business matters ang laging topic or about sa school ko. Kaya nga may konting galit ako sa kanya minsan dahil yun lang ang mahalaga sa kanya. Pero, love ko pa din naman siya kahit ganun yun. Hindi ko lang talaga siya maaasahan sa ganitong panahon. " sagot ko.

"Edi si mommy mo na lang. " suggest niya ulit. This time, napalingon na talaga ako sa kanya.

"V, my mom died when I was thirteen. " sagot ko kaya nagulat siya.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon