Chapter 21

175 4 0
                                    

CHAPTER 21

V'S P.O.V.

Papunta na ako ngayon sa gym kung san ako nagwo -workout. Nakakastress kasi yung higad na yun! Di lang kami nagkita ng Christmas break, may panibago na namang nilalandi. Higad talaga yun eh! Linta! Makati! Pantal! Lalakero! Flirt! Haaayy! Mabuti pa ngang pumunta na lang ako sa gym para mawala stress ko. Mas maganda pa dun, marami akong makikitang macho papa lalo na yung instructor kong si Jack! Naku kanin na lang talaga ang kulang!! 

@ Gym. 

"Yo!" bati kaagad sa akin ni Jack ng makita ako. Pumunta kaagad ako sa kanya na nagba-barbells at nakipag appear. 

"Bro! Musta? Long time... " sabi ko sa kanya gamit ang pinalaki kong boses.

"Oo nga pare long time no see! Namiss ko tuloy yung favorite kong estu! " sabi niya. Wuiiiii kilig much naman muscles ko sa sinabi niya haha! 

"Sorry busy kasi sa school haha. "

"Sa school ba talaga o sa mga chix? " asar niya naman sa akin. Duh, kadiri naman to! Kung sinabi niya sana kung busy ako sa mga lalaki, edi sana nasagot ko siya ng oo! 

"Nukaba pre, wag mo ko igaya sayo hah! Matino to! " pagyayabang ko sa kanya tas tinuro ko yung sarili ko sa huli. 

"Wahaha joke lang! Ikaw di ka naman mabiro. Oo nga pala stick to one ka lang sa girlfriend mo nuh, sensya na. " comment niya. Natigilan naman ako sa kanya. Girlfriend? Anong pinagsasabi niya? Wala akong girlfriend! At malabo mangyari yun! At yung umaasta pang girlfriend ko noon, may bago na ngayon! G*g* yun eh! Leche flan! 

"Oh bat ganyan mukha mo? " bigla namang nasabi ni Jack. Huh? Anong bat ganyan? Maganda ako period! 

"Ano? "

"Bat ganyan mukha mo? Nagbreak kayo ng girlfriend mo nuh? " panghuhula niya.

"Huh!? Break agad -agad!? Sobra ka bro! " ...kasi wala ako nun, panu ako makikipagbreak?

"Ah! So kayo pa? Siguro LQ kayo ngayon? "

"Hindi ah! Bakit ba ang tsismoso mo? Bading ka nuh!? " asar ko sa kanya tas nagsilingunan lahat ng mga lalaking malapit sa amin at natawa. Medyo tinignan niya naman ako ng masama dahil sa sinabi ko. 

"Hindi noh! Anong tanong yan? " weh? Sige nga, kung di ka bading kiss mo nga ako :*

"Eh bat nang -uusisa ka? "

"Eh kasi nga, yung mukha mo parang sinakluban ng langit at lupa. At kahit di mo sabihin, halatang mahal mo yung girlfriend mo. " comment niya. Luh! Grabe! Nung pinagsasabi nito? Hindi ako sumagot sa kanya, bahala siya mag -isip dyan ng gusto niyang isipin! Basta alam ko sa sarili kong hindi totoo yun at mga lalaki ang type ko. Lumingon na lang ako sa labas. Tyempong naman akong napatingin sa Mini Stop na kaharap ng gym na to. Naghanap-hanap ako pero di ko siya nakita. Haaayy, matagal ko na siyang di nakikita dito sa favorite niyang tambayan. May Mark na kasi siya. Yun yon eh. 

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon