Chapter 95

84 2 0
                                    

CHAPTER 95

SHERNA'S P.O.V.

"Let's go? " tanong sa akin ni lalabs sabay inoffer yung kamay niya para hawakan ko. Papasok na kasi kami ngayon sa bahay nila eh. At ngayon mameemeet ko yung buong angkan nila.

"Okay :)" sagot ko tapos kumapit na ako sa braso niya at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.

Pagdating namin dun sa loob, hindi ko ineexpect na ganun kadami ang bisita. Sa sobrang dami nga, hindi na nila napansin yung pagdating naming dalawa. Akala ko, buong pamilya lang ni Nick ang makikita ko, may iba pa pala. Siguro mga malalapit na kaibigan nila yung mga yun. Nakita ko din kasi si papa dito eh, kasama niya yung dad ni Nick.

"Ayun si Tito oh, tsaka si Dad! " turo ni Nick sa akin. "Tara." niyaya niya akong pumunta dun kaya naman tumango ako sa kanya habang nakangiti. Kaso naudlot yung paglalakad namin ng may biglang lumapit sa kanyang isang magandang babae na hindi ko kilala.

"Nick?! " gulat na tawag nung babae sa kanya. Pagkatapos nun, nakita kong ngumiti sa kanya si Nick ng sobrang wide. Sino kaya siya? Magkakilala kaya sila? Ay malamang! -___- Pero magkaanu-ano kaya sila?

"Uy Lucy! Ikaw pala yan! Musta?! " natutuwa namang sabi sa kanya ni Nick tapos bigla na lang silang nagyakapan at nagbeso.

"Haha! Ikaw ang kumusta! Ngayon na lang kita nakita ah!! Nawalan na ako sayo ng balita sayo this past few years. Mabuti na lang at palagi kitang nakikita sa mga commercials mo sa TV tsaka sa mga billboards dyan sa paligid kaya kahit papano di ko nalimutan yang mukha mo. Gosh, ganyan ka pa din pala kagwapo sa personal! Kaya crush na crush kita dati eh!! " sagot nung Lucy sa kanya.

"HA! Mas lalo kaya akong gumwapo ngayon! " mayabang na sagot naman ni Nick sa kanya.

"Haha! Edi ikaw na! "

"Ikaw din naman eh, mas lalo kang naging blooming ngayon eh. Siguro may boyfriend ka nuh? "

"Haha! Wala! Gusto mo ikaw na lang? Single na single kaya ako. Inspired lang ako kasi nakita ulit kita haha. " sagot nung Lucy sa kanya.

O_____O

EHEM. EHEEEEEM!!!

Aba nako! Sino ba yang babaeng yan at napakalandi? Nakakagigil ah. Halos mabilaukan ako sa sinabi niya kahit wala akong kinakain. Kapal ng mukha.

"Sige mainspire ka lang... minsan mo lang makita tong mukha ko kaya lubusin mo na. " natatawang sagot naman ni Nick na para bang hindi sineryoso yung sinasabi nung Lucy. Pero kahit na nuh! Naimbyerna pa din ako dun sa sinabi ng babaeng yan.

"Ay? Bakit minsan lang? Pwedeng palagi? Ay nako kailangan mong bumawi sa akin! Ngayon lang kita ulit nakita. "

"Haaayy nako, hindi pwede nuh. Busy ako and for sure mas lalo pa akong magiging busy sa mga susunod. "

"At bakit? Ikakasal ka na ba? Wag kang feeling dyan, Nick! Siguro naman wala ka din namang girlfriend at mas lalong wala kang fiancee ngayon nuh kaya bakit ka nagpapakabusy? Sakin ka na lang magpakabusy wag sa ibang bagay. Maging tayo na nga lang ulit! Hanggang ngayon bagay pa din naman tayo eh. Dali! " sagot nung Lucy sabay pumulupot dun sa braso ni Nick. Grabeeee... ang reaction ko simple lang:

'Whoah'

Kanina pa siya ah. Kapal talaga ng mukha -__- Kasing kapal ng lipstick niyang red.

Sa sobrang shock ko dun sa sinabi ng Lucy na yan, at tutal nag -uusok na yung tenga ko kakapakinig ko dyan sa pag -uusap nilang walang kwenta, tumalikod na lang ako sa kanila at umalis. Kainis eh. Kanina pa sila dyan! Ang lakas ko kayang maka #wallflower dito! Hello, ang lalandi niyo, nandito kaya ako sa likod niyo! Kailangan ko pa bang sumayaw ng ati -atihan dito para lang mapansin niyo ako.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon