Chapter 41 - Fambam

245 6 0
                                    

Chapter 41 - Fambam

[Julienne's POV]

Kinabukasan, nagising ako nang may matanaw na kong liwanag sa mga mata ko. Dahan-dahan akong dumilat. Ugh! Teka, paano ako napunta sa posisyong 'to?!

Nakayakap ako sa kaniya at nakahiga sa dibdib niya! Tumingala ako at tumingin sa kaniya. Tulog pa din siya. Hmmm. Ang bango ah! Inamoy ko pa 'yong damit niya at ngumiti.

Hahawakan ko pa sana siya sa pisngi pero napansin kong gumalaw 'yong mata niya kaya pumikit ulit ako at nagpanggap na tulog.

Maya-maya...

"Hoy. Gumising ka na." Inalog-alog niya ko.

"Hmm." Uy best actress.

"Gising na! Umayos ka nga ang bigat mo." Ano?!

"Ano ba?" Antok kong sabi.

"Aish. Umayos ka nga ng higa."

"Aray!" Tinulak niya ko kaya napahiga ako sa kama.

"Bumangon ka na diyan. Mag-ayos ka na tapos mag-almusal na tayo do'n sa baba. Uuwi na tayo."

Hindi na ko nagsalita at hinilamos na lang 'yong kamay ko sa mukha ko.

"Good morning Stephen!" Sabi ko.

Lumingon siya dito at nginitian ko siya tapos pumasok na siya sa CR. Wow walang pagsagot ng 'Good morning din'? Tsch.

Nag-ayos na din ako at bumaba kami para mag-almusal. Binigyan na din namin ng pagkain si Cider.

"Nakatulog ka siguro ng mahimbing 'no?" Tanong niya.

"Huh?"

"Ginawa mo nga akong unan eh. Ang bigat mo kaya! Hoy, siguro pinagnanasaan mo ko 'no?"

"Ugh. Hoy ang kapal naman ng mukha mo! Hindi ko din alam kung pa'no ako napunta sa posisyong 'yon. Nagising na lang ako, gano'n na! Wag ka ngang mangarap diyan!"

"Tsch. Pero sa loob mo, gustong-gusto mo naman?"

"Ugh. Grabe may mas kakapal pa ba diyan sa mukha mo?"

Ngumiti lang siya at kumain.

10AM pa lang, nakarating na kami sa bahay nila. Dito kami agad dumiretso. Wala kasing traffic saka maaga din kaming nakaalis. At oo, magkaparehas kami ng suot na damit. Pero hindi 'to couple shirt! Lilinawin ko lang ah. Magkatulad lang ng design pero hindi couple shirt, okay?

"Oh! What brought you here?" Bati ni Dad.

"Oh? Ano 'yan? Saan kayo galing?" -Mommy

"Wow? Couple shirt? Galing kayong Tagaytay?" Uy nandito pala si ate Diana.

"Hm. Kakauwi lang namin." -Stephen

"Wow talaga?!" Tuwang-tuwang sabi ni ate Diana. Tumingin siya sakin at ngumiti na lang ako.

"Oh. Mukhang kakagaling niyo lang sa pamamasyal ah. Oh dapat bang sabihin kong... date?" Lola Lalie! Nandito din siya.

"Oh halika na muna. Maupo muna kayo." -Dad

"Ano ba 'yang mga dala niyo?" -Mommy

"Bumili po kami ng mga prutas do'n para sa inyo. Ayan, sa inyo po 'yang mga 'yan."

"Eh kayo?" -Dad

"Marami pa po do'n sa sasakyan. Mamaya po pupunta naman kami kina Mama para ibigay sa kanila 'yong iba."

"Alam niyo, natutuwa akong makitang nagkakasundo kayo ng ganyan." Sabi ni lola na may kasamang ngiti.

"Hm. Kung gano'n, buong araw ba kayong nasa Tagaytay kahapon?"

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon