Chapter 56 - Grand ball and Confession?

285 11 0
                                    

Chapter 56 - Grand Ball and Confession?

[Julienne's POV]

Marami pa kaming mga napag-usapan sa dinner. Unti-unting gumaan 'yong atmosphere at nakalimutan na 'yong dahilan kung bakit kami biglang nagdinner.

Binibiro pa nila kami na baka daw next year, meron nang bagong myembro ng pamilya.

Nagkatinginan naman kami ni Stephen at namula.

Nagpaplano din sila na mag out of the country kami this summer. Sa mga naririnig ko, naeexcite na ko! Matagal ko nang gustong makapamasyal sa ibang bansa!

Sa mga Prieto, hindi imposibleng matuloy 'to. Sa dami ba naman ng pera nila eh. Hindi na nga yata nila alam kung saan gagastusin.

Napansin kong nakatingin sakin si Stephen kaya napalingon ako.

"Oh? Bakit?"

"Mukhang ang saya mo ah."

"Ah. Kasi naeexcite ako sa mga pinag-uusapan nila. Gusto ko kasi talagang makasakay ng eroplano at mamasyal sa ibang bansa."

After ng dinner. Lumabas na kami. Nag-uusap kaming dalawa ngayon ni Daddy Alex. Si Mommy Becca kausap si Mama. Si Lola naman may kausap sa phone.

Nawawala si Kuya, Papa at Stephen. Saan naman nagsuot 'yong tatlong 'yon?

"I hope everything's going well between you and Stephen. I want your relationship to last." Sabi ni Daddy Alex.

"Hm. Okay naman na po kami ni Stephen ngayon. Sa totoo lang, ang saya ko nga po kapag magkasama kami eh. Hindi ko maipaliwanag kung bakit."

"I'm so happy to hear that. Ako ang nagdesisyon na ipagkasundo kayo 20 years ago. Kahit na hindi pa kita kilala, nagdesisyon ako sa bagay na 'yon. Dahil malaki ang utang na loob ko sa tatay mo. At hindi ko pinagsisisihan 'yong desisyon kong 'yon, Julienne."

Napangiti ako.

"Alam kong magiging mabuti ka para kay Stephen. He needs someone who tolerates him but at the same time, care for him and accepts him. I know that it's really hard for you. My son can be as cold as ice but sometimes, he can be as sweet as candies. Kapag may isang taong napapalapit na sa kaniya, ayaw niya na 'yong mawala. At sa nakikita ko, mukhang napapalapit na kayo sa isa't-isa. Masaya talaga ko sa bagay na 'yon."

"Salamat po, Daddy. No'ng umpisa, nahirapan po talaga kong tanggapin na ikakasal ako sa isang taong hindi ko naman kilala. Pero habang tumatagal at nakilala ko siya, parang.. gusto ko na ding manatili sa tabi niya dahil kailangan niya ng isang taong iintindi sa kaniya at sasamahan siya. Kaya, nagpapasalamat po ako na ganito 'yong pagtanggap niyo sakin sa pamilya niyo."

"If you had a hard time these past few days dahil sa mga nangyari, humihingi ako ng sorry. Kasi ako naman talaga 'yong dahilan. I arranged my son sa magiging anak na babae ni Francis."

"Ugh. Daddy, wala po kayong kasalanan. Siguro, 'yon po talaga 'yong nakatadhana."

Ngumiti siya.

"Kapag may kalokohang ginawa si Stephen, magsumbong ka sakin. Akong bahala."

I smiled.

"Ah.. nasa'an nga po pala si Stephen?" Sabay lingon sa paligid.

"Oo nga 'no. Hindi ko din napansin. Oh ayon! Mukhang nag-kwentuhan silang tatlo ah. Di man lang ako sinama." Sabi niya sabay turo sa kanilang tatlo na naglalakad palapit dito.

"Oh sige na. Gabi na din. Umuwi na tayo. See you again sa susunod na family dinner." Sabi ni Lola sabay ngiti tapos nagpaalam na din kami at umuwi.

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon