Chapter 59 - Honey

328 7 0
                                    


Chapter 59  - Honey

[Julienne's POV]

Hindi ko talaga kaya. At ayoko nang subukan dahil wala ding mangyayari.

Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa utak ko. Nagawa ko pa silang silipin. Nakita ko pa tuloy na niyakap ni Stephen si Clarisse.

Aish! Pinunasan ko 'yong luha ko at naglakad palayo.

Hindi ko alam kung bakit ako nagpapakatanga ng ganito. Pwede ko namang sabihin kay Clarisse na tigilan na niya si Stephen dahil kasal na siya pero mas pinili ko pa ding isipin 'yong happiness nila. At 'yong para sakin? Ayon, sinet aside ko na lang.

Dahil ang nasa isip ko, ako 'yong dahilan kung bakit sila nagkahiwalay kaya mas gusto ko na makitang masaya si Stephen.

Kaya ito, pinagmumukha kong tanga 'yong sarili ko.

Masakit makita na kay Clarisse siya masaya. Pero anong magagawa ko? Ayoko namang pilitin siya na sumama sakin kahit ayaw naman niya.

Naglakad lang ako nang naglakad. Hanggang sa makarating ako sa likod ng gym.

Dito ako nag-emote. Dito ako umiyak, tumulala at nagbunot ng nga damo sa tabi ko.

Ngayon ko lang naramdaman 'to. Ganito pala 'yong pakiramdam.

Maya-maya, nagring yung phone ko. Tumatawag si Stephen pero hindi ko sinasagot. Hinayaan ko na lang.

Kaya lang ang ingay kaya tinanggal ko na lang 'yong battery. Tsch.

Hindi ko na dapat hinayaan 'yong sarili ko na ma-fall. Pero, mahirap kaya. Mahirap 'yon pigilan.

Hindi ko na napansin 'yong oras. 6PM na pala.

Hay ang sakit na din ng pwet ko sa tagal kong nakaupo.

Nagtaxi na lang ako pauwi.

Pero dumaan muna ko sa convenience store at bumili ng soju. Para naman marefresh 'tong utak ko. Baka sakaling matauhan ako.

Dahan-dahan akong pumasok ng bahay.

Nakita ko siya na nanonood ng TV sa sala habang kumakain ng chips. Sigurado akong sisigawan niya ko dahil ngayon lang ako kaya naman maingat akong naglakad.

"Arf!" Anak ng.

Napapikit ako at dahan-dahang lumingon. Nakatingin na din siya dito.

Tumayo siya at lumapit dito. Umayos naman ako ng tayo. Nakapwesto na kong aakyat ng hagdan eh! Bigla naman akong kinahulan ni Cider!

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?" Masungit niyang sabi.

"Ah.."

"Bakit hindi mo sinasagot 'yong phone mo?! Ilang beses kitang tinawagan! Ano bang ginawa mo ha?!"

"Teka 'wag ka ngang sumigaw!"

"Saan ka ba kasi nagsuot? Magkasama ba kayo ni Tyrone?!"

"Ano?!"

"Kaya ba bigla kang nawala at hindi mo sinasagot 'yong phone mo kasi magkasama kayo?"

"Ano? Wait, Stephen, hindi kami magkasama--"

"Then where did you go?!"

"Nando'n lang ako! Nasa Brennan lang."

"Ugh. Really huh? Then why aren't you answering your fcking phone?"

"Because I don't wanna talk to you."

"What?"

"Nakapag-usap na kayo ni Clarisse 'di ba? 'Wag kang mag-alala. Hindi ko kayo isusumbong kay Lola. Kasi ako nga 'yong  nakaisip no'n eh. Na mag-usap kayo."

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon