Chapter 94 - Second chance

777 10 4
                                    

A/N: Another long chapter! Sorry kung medyo mabibigla kayo hahaha. Second to the last chapter. Enjoy reading!

Chapter 94 - Second chance

[Julienne's POV]

"Okay ka na?" Tanong niya pagkasakay namin sa sasakyan niya.

"Hm."

"Ihahatid na kita sa inyo. Ituro mo na lang 'yong daan."

"Okay."

Nagdrive na nga siya at hindi ko naman na siya tinanong kung anong ibig sabihin niya sa sinabi niya kanina.

Tahimik na lang kami sa biyahe.

Pagkarating namin, bumaba din siya pagkababa ko.

"Dito ka na nakatira?"

"Hm. Nandito na din sina Mama. Binili ko 'to para dito na din sila tumira."

"Hmm."

"Gusto mong.. pumasok?"

"Okay lang?"

"Kung.. wala ka namang ibang gagawin, ayos lang."

"Hindi na. Nakakahiya kina Mama. Sige na, pumasok ka na."

"Hm. Ingat."

Ngumiti siya at ginulo 'yong buhok ko.

Ohmygod. Hindi pwede. Nahuhulog nanaman yata ako.

Kaya naman buong araw, finocus ko sa ibang bagay 'yong atensyon ko. Pumunta ko sa JRose at nagpakabusy.

"Ms. Julienne?"

"Huh?"

"Okay lang po ba kayo?" Tanong ni Faye.

"Ah.. Oo. Sorry. Ano nga 'yong sinasabi mo?"

"Ito po 'yong napili ng client natin na design. Next week niya daw po kukunin. Tapos si Ms. Andrea po na magpapagawa sa inyo ng wedding gown, pupunta dito bukas ng umaga."

"Okay. Thank you. Ilapag mo na lang dito 'yan."

"Sige po--ah! Nandito po pala si sir Tyrone."

"Talaga? Bakit hindi pa siya pumasok? Papasukin mo na."

"Okay po." Lumabas na siya at pumasok naman si Tyrone. Nagbeso kami.

"Good afternoon, Ely."

"Hi."

"Naglunch ka na?"

"Hm. Ikaw?"

"Tapos na. Mukhang marami kang ginagawa ah."

"Oo. Ang dami kasing clients ngayong araw. Ito nga oh. Gumawa pa ko ng ibang designs. Tignan mo, okay ba?" Pinakita ko sa kaniya.

"Hmm. Lahat naman ng gawin mong designs, maganda."

"Sus, sinasabi mo lang 'yan dahil ikaw si Tyrone, at ako si Julienne." We laughed.

"Seryoso, maganda."

I smiled. Pero naalala ko si Stephen. Hindi eh. Hindi ko talaga kayang saktan si Tyrone. Kapag nalaman niya... siguradong masasaktan siya at pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para sakin, hindi ko 'yon kayang makita.

"Oh bakit mo ko tinititigan ng ganyan?"

"Wala. Na-miss lang kita."

Oo, hindi ko siya boyfriend pero.. alam kong mahal niya ko. Minahal ko na din naman siya eh. Totoo 'yon. Kaya lang, ganoon ba talaga? Nang makita ko ulit si Stephen at nang magkaayos kami, bumalik lahat. Pati 'yong nararamdaman ko. Masama ba kong tao?

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon