Chapter 21 - Farm
[Julienne's POV]
Naging okay naman 'yong last day ng midterm exams. Ngayon, nasa biyahe na kami papunta sa farm. Long weekend kasi dahil may holiday kaya makakapagbakasyon kami ng ilang araw.
Kasama din sina Tito, Tita, Ate Diana, Lola Lalie, Mama, Papa at Kuya.
Magkatabi kami ni Stephen sa van tapos sa kabilang side naman si ate Diana tapos si Lola.
Nasa likod sina Mama, Papa at kuya. Si Tito 'yong nagdadrive at sa tabi niya si Tita.
Nakaheadphones lang si Stephen habang nakapikit. Ako naman, kumakain ng Nova habang nakatingin sa daan.
"Sigurado ako na magugustuhan niyo do'n. Nakakarelax talaga kaya masarap magbakasyon do'n." -TIta
"I agree! Masarap mamasayal at magshopping!" -Ate Diana
Oh shopping nanaman ang nasa utak niya. Milyon ba laman ng credit card niya? Pero sabagay, ano naman eh mayaman naman siya.
"Stephen, matutulog ka lang ba buong biyahe?" Sabi ni Lola pero nakapikit pa din siya kaya tinanggal ni ate Diana 'yong headphones at napadilat siya.
"What?"
"Kinakausap ka ni Lola."
"Ang sabi ko, buong biyahe ka bang matutulog? Hindi mo man lang ba kakausapin ang asawa mo?"
"Okay ang po 'yon." Singit ko. "Ay wait. Gusto mo?" Alok ko sa kaniya no'ng Nova tapos kumuha siya.
"Kaya ka tumataba eh. Kain ka ng kain."
"Ano?" Tsch.
"Kanina ka pa kaya kumakain diyan."
"Pano mo nalaman eh nakapikit ka?"
"Naririnig ko 'yong tunog ng plastic. Ang takaw mo talaga."
Nagpout na lang ako. Tsch. Hindi pala siya tulog.
Nang makarating na kami sa bandang puro bukid na 'yong nakikita ko, biuksan ko 'yong bintana at nilabas 'yong kamay ko.
"Wooh! Ang saya!"
"Umayos ka nga. Baka maputol yang kamay mo sige ka." Sabi ni Stephen.
"Bakit? Bakit naman mapuputol 'yong kamay ko dito? Tsch." Tapos tumingin na ulit ako sa labas at ngumiti. Ang sarap ng hangin!
Tapos maya-maya umusog siya at nilabas din 'yong braso sa bintana kaya naman naiipit na ko dito sa gilid.
"Ano bang ginagawa mo?!"
"Dinadama 'yong hangin. Bakit?"
"Aish umusog ka nga! Naiipit na ko dito! May bintana naman sa kabila ah!"
"Honey, 'wag ka na ngang magsungit." Sabay kindat. Anak ng.
"Gusto mo bang ilaglag kita dito?"
"Honey--"
"Tumigil ka--" Nang mapansin kong nakatingin sila samin bigla ko nang binago 'yong tono ng boses ko. Hay! Bakit ba kasi ganito 'to?!
"Ah.. hehe. I mean, honey, tumigil ka na. Kung gusto mo ikaw na lang 'yong umupo dito sa tabi ng bintana." Sabay sarcastic smile.
"No thanks." Sabay ayos ng upo. Ano bang nakain nito?!
12noon na nang makarating kami sa resthouse nila sa gitna ng bukid. Ang ganda at talagang nakakarelax! Vintage 'yong design ng bahay at may tatlong floors.
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...