Chapter 37 - Golf club

260 9 0
                                    

Chapter 37 - Golf club

[Julienne's POV]

Kinabukasan.

Nakaayos na ko at ready nang pumasok sa Brennan. Pagkalabas ko ng kwarto, sinalubong ako ni Stephen.

"Hoy alien."

Tinignan ko lang siya.

"Maaga 'yong tapos ng klase mo ngayon diba?"

"Hm. Hanggang 1PM lang ako ngayon. Bakit?"

"Sumama ka mamaya."

"Saan?"

"Sumali ka na sa golf club."

"Huh? Golf club?"

"Hm."

"Pero hindi ako marunong."

"Syempre tuturuan kita. Stupid."

"Kailangan ba talaga?"

"Basta sumama ka."

"Huh? Ah.. oo sige." Tsch. Golf, laro ng mayayaman.

Hinatid na niya ko sa Brennan.

"Don't go anywhere. Hintayin mo ko."

"Hm." I smiled tapos bumaba na ng kotse at kumaway sa kaniya bago siya umalis.

"Okay ka na ba ngayon?" Bungad sakin no'ng dalawa pagkapasok ko ng classroom.

"Hm." Sabay ngiti.

"Mukha nga. Eh samantalang kahapon kulang nalang gumiba ka ng isang building sa sobrang inis mo." -Shane

"Hindi ko nga din alam kung bakit nainis ako ng sobra eh. Pero.. ayoko nang isipin 'yon ngayon."

No'ng vacant, kasabay naming kumain si Tyrone. Kagaya ng dati, puro kwentuhan at tawanan. pero natahimik kami nang makita namin si Clarisse at tumingin siya dito.

"Here comes the witch." -Eulla

Kasama niya pa 'yong dalawa niyang kaibigan na mukhang palaka.

Hindi naman na sila gumawa ng eksena. Mabuti naman.

"Ibang klase talaga siya. Ang buong akala ko noon, maganda na siya, mabait pa. Pero simula no'ng mas nakilala natin siya dahil ikinasal ka kay Stephen, nagbago 'yong tingin ko." -Shane

"Actually, mabait naman talaga si Clarisse. Pero pagdating kay Stephen, nagiging ganyan siya." -Tyrone

"Ay sorry. Kaibigan mo nga pala siya. Hindi ako dapat magsalita ng masama tungkol sa kaniya sa harap mo." -Shane

"No it's okay."

"Sus. Bakit? Ipagtatanggol mo ba siya? Kahit na si Julienne 'yong apektado dito?" -Eulla

"Of course not. Wala akong papanigan."

"Aish! Dapat sakin ka kumampi!" Biro ko. Natawa lang siya.

"Hindi na nakakapagtaka kung si Clarisse ang mas kampihan niya." Asar ni Shane.

"Kababata niya si Clarisse kaya wag kang umasang mas kakampihan niya tayo." -Eulla

Natatawa lang si Tyrone sa pang-aasar namin sa kaniya.

Bumalik na kami sa klase at after class nga, sinundo ako ni Stephen at pumunta sa golf club.

Pinamember na din niya ko at ako naman, namamangha sa paligid. Para kasing mayayaman ang lahat ng tao dito. Ang ganda din ng view at halos lahat, kilala si Stephen.

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon