Chapter 79 - Cookies
[Julienne's POV]
Malapit na mag-finals. Tapos ang dami pang projects. Sasabog na 'yong brain cells ko eh.
Tapos ito namang si Stephen, ginugulo pa ko habang nag-rereview! Nakakainis sabi nang 'wag akong kausapin eh! Ano nanaman bang trip nito?
Matapos niyang mangulit nang hindi ko pinansin, umalis na din siya pero maya-maya, bumalik din.
"Ang sarap ng menudo." Ha? Nilingon ko siya pero pumasok na siya ng kwarto. Menudo? Kinain niya 'yong niluto ko? Tsch.
No'ng sumunod na araw, gano'n pa din. Wala pa ding nag-uusap. Kapag kinakauspa naman niya ko. sinusungitan ko o kaya naman minsan isang tanong isang sagot lang. Ang kulit din nito eh. Kinakausap pa din ako, hindi ba siya nakakaintindi?
Hanggang sa lumipas na nga ang isang linggo nang ganito pa din ang set up namin. Medyo.. namimiss ko na nga siya pero hindi pwede. Okay naman kami ni Tyrone, masaya naman ako pero kapag nakikita ko si Stephen, iba pa din. Hay nakakainis.
"Hindi pa din kayo nagpapansinan hanggang ngayon?" Tanong ni Eulla. Tapos na 'yong klase namin at nag-aabang na ko ng taxi pauwi.
"Hm."
"Hanggang kailan niyo naman balak magtiisan ng ganyan? Wala ka pa bang balak na makipag-ayos sa kaniya? Paano niyo nagagawang magstay sa iisang bahay nang hindi man lang nag-uusap?"
"Sa totoo lang sobang boring na nga sa bahay. Matutuyuan na ko ng laway. Buti na nga lang minsan inaaya ako ni Tyrone na lumabas kaya kahit papa'no may nanagawa naman ako after class."
"Hoy ikaw ah, sigurado ka bang walang something sa inyo ni Tyrone ha?"
"Ano?"
"Alam mo parang, hindi na kasi normal na madalas kayong lumalabas na kayong dalawa lang. Hindi naman kayo ganyan noon eh."
"Anong madalas eh dalawang beses lang naman ngayong linggo ah."
"May hindi ka ba sinasabi sakin Julienne?"
"W-wala ah. Ikaw lang 'yon kasi! Kung ano-anong iniisip mo, tumigil ka na nga diyan!"
"Hay. Sabi mo eh. Alam ko namang magsasabi ka kung meron man."
"Oh alam mo naman pala eh." Sorry, Eulla. Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala sayo pero, ayoko lang talagang sabihin muna eh. "Tapos mo na 'yong project?"
"Hindi pa. Madami pa kong details na gustong idagdag eh saka ieedit ko pa. 'Yong sayo?"
"Malapit nang matapos."
"Buti ka pa. Sinasabay ko kasi sa pagrereview eh pero sa tingin ko kaya ko namang matapos 'yon bago 'yong deadline--oh ayan na! Sige ah, una na ko."
"Hm. Ingat!."
"Ingat!"
Pagkauwi ko sa bahay, wala pa si Stephen kaya nakipaglaro na lang ako kay Cider tapos nagreview na din ako. Napapatingin ako sa phone at parang may bumubulong sakin na tawagan ko si Stephen--teka, bakit ko naman gagawin 'yon?!
Tinuon ko na lang sa pagluluto ng hapunan 'yong pansin ko. Pero nagulat ako nang biglang tumahol so Cider. Noong nilingon ko, dumating na pala si Stephen. Nagkatinginan pa kami pero bumalik na dina ko sa pagluluto.
"Ano 'yan? Bango ah." Lumapit pa siya para amuyin pero hindi ko siya pinansin.
"Julienne."
'Wag. hayaan mo lang.
"Alien."
Hay.
"Okay. Can we please end this drama? Tigilan na natin 'to. Kauspain mo na ko. Nagsorry naman na ko diba? Hanggang kailan ba tayo magiging ganito ha?"
BINABASA MO ANG
You are the one
Любовные романыPaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...