Chapter 42 - Time of the month
[Julienne's POV]
Natapos na kong maglinis at ang bigat bigat ng katawan ko sa pagod. Hay ang sarap humilata sa kama.
Tumingin ako sa phone ko. 6:30PM na. Walang text o tawag mula kay Stephen. Eh ano ba Julienne? Magkasama sila ni Clarisse, bakit naman siya mag-aabalang itext o tawagan ka pa? Tsch.
"Hay. Bakit ba kasi pinagmumukha mo kong tanga? Bakit hindi mo na lang sabihin kay Mommy na makikipaghiwalay ka na at sasama na kay Clarisse? Bakit kailangan mo pang iparamdam sakin 'to? Aish!" Binato ko yung phone ko sa sofa.
Nakakainis.
Nagluto na ko ng hapunan. Pero wala kong ganang kumain. Mag-isa lang kasi ako, nakakawalang gana.
Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot 'yong tawag ko. Kaya naman lumabas na muna ko ng bahay at naupo sa bench.
Wala pa din namang nagbago. Si Clarisse pa din naman talaga diba? Bakit ba umaasa ko na darating 'yong araw na bigla na lang 'yong magbago? Umaasa ako sa wala.
Hay! Anong oras ba siya uuwi?! Sobra yata siyang nag-eenjoy ah!
At teka, bakit ba hinihintay ko siya dito? Aish!
Tumingin ulit ako sa phone ko. Wala pa ding text o tawag. 8PM na. Ano ba kasing ginagawa niya?
Nilalamig na ko dito. Wala pa ba talaga siyang balak umuwi?
Naglakad-lakad, tumalon, tumakbo na ko. Nahiga na din ako sa bench pero wala pa ding Stephen na dumating. Anak ng tokwa. Nagugutom na ko! Inaantok na din ako!
Naupo ako sa gilid ng pinto at yumuko sa tuhod ko.
**
"Julienne?"
Napadilat ako. Ugh! Nakatulog na pala ko dito! Boses ni Stephen 'yon ah? Dahan-dahan akong tumingala.
"Anong ginagawa mo diyan?"
"Huh? Ah.." Tumayo ako at tumingin sa paligid tapos sa kaniya. "Hinihintay ka."
"Ano?"
"Sabi mo kasi tatawag ka, pero hindi naman. Tinatawagan kita pero hindi mo naman sinasagot 'yong phone mo."
"Baliw ka ba? Bakit mo naman ako hinihintay?"
"Oh? Eh.. ewan ko. Kasi--"
"Kung gusto mo kong hintayin sana doon ka na lang sa loob naghintay. Malamig dito sa labas gusto mo bang magkasakit?"
Natahimik ako.Teka nga, galit ba siya?!
"Tara na." Nauna siyang pumasok sa loob at sumunod naman ako.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya.
"Huh? H-hindi pa--"
"Ano?! Ano bang ginagawa mo? Bakit hindi ka pa kumain?"
"Hinihintay nga kasi kita!"
"Bakit? Di ba sinabi ko naman na baka gabihin ako? Kapag wala pa ko, kumain ka na tapos matulog. Hindi mo ba 'yon narinig?"
"Sana kasi sinasagot mo yung mga tawag ko! Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo?"
"Okay ka lang ba? Bakit bigla kang nagkakaganyan?"
Oo nga. Bakit nga ba? Napatigil ako saglit. Nag-iisip kasi ako.
"Tama. Bakit nga ba ko nagkakaganito? Alam ko naman na kapag si Clarisse 'yong kasama mo, wala ka nang ibang nakikita. Wala ka nang pakialam sa iba. Hindi mo man lang naisip na baka hinihintay kita. Sabagay, bakit naman maiisip mo 'yon? Wala lang naman ako sayo diba?" Umalis na ko sa harap niya.
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...