Chapter 76 - Space
[Julienne's POV]
"Kasi.." Napayuko ako. Paano ko ba sasabihin?
"What?"
"Ayokong.. umasa. Ayokong.. mahulog kasi alam kong, wala namang patutunguhan 'yon eh. Kasi may iba kang mahal."
"No I--"
"Pwede bang gano'n na lang?"
Matagal kaming nagkatinginan. 'Yong tipong may mga gusto pa kaming sabihin pero walang nagsasalita at tahimik lang ang buong paligid. Makinig ka naman sakin Stephen, please.
"Space? oh ayan. Space." Umatras siya." Wow, please hindi ako nakikipagbiruan. Pero muntik na kong matawa sa kacornihan niya.
"Stephen--"
"Anong klaseng space ba? Space bar? Space ship? Space for rent?" Pfft. Muntik na talaga kong mabilaukan ng sarili kong laway sa space for rent. Jusko, ano ba naman 'to. Julienne, 'wag kang matawa! Nagdadrama ka eh!
"Hindi ako nakikipagbiruan. Seryoso kasi!"
"Pa'no kung ayoko?"
"Ano?" Hay anak ng tokwang binalatan!
"Bakit ko naman gagawin 'yon? Saka pa'no? Eh magkasama tayo sa iisang bahay?"
"Eh di dito muna ko--"
"Ayoko. Hindi pwede."
"Ano ba? Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo ko maintindihan?"
"Okay ganito na lang. Sige. Bibigyan kita niyang fcking space na hinihingi mo. Pero uuwi ka. Fine, hindi kita kakauspain, hindi kita papansinin. Magpanggap ka na hindi mo ko nakikita, gano'n din ako. Basta umuwi ka."
Hay, ano pa nga bang magagawa ko sa makulit na 'to?
"Sige. Call."
Tahimik lang siyang nakatingin sakin.
"I'm sorry." Sabi niya.
"Inaantok na ko."
"Eh di matulog na tayo." Hinila niya ko at inihiga sa kama.
"Hoy ano ba! Nag-usap na tayo diba? Eh ano 'to? Ano ba?!"
"Bakit? Saan mo naman balak matulog?"
"Ikaw talaga!--Ugh! Doon ka sa sala. Doon sa sofa."
"Ayoko, masakit sa katawan eh."
"Aba't--Ugh. Stephen ano ba talagang--"
"Goodnight." Iniyakap niya sakin 'yong braso niya at pumikit na.
Hay! Hindi ba niya nagets o ano?! Tinitigan ko siya. Juskolord, masama na 'to. Kapag tinititigan ko siya, parang gusto kong bawiin na lang 'yong sinabi ko eh! Sino bang makakatiis sa kaniya? Aish.
Kaya lang, kapag naaalala ko na isa lang nga pala kong dakilang extra sa buhay niya, nalulungkot ako.
"'Wag mo kong titigan ng ganyan." What--ano? Paano niya--Aish.
"Psh. Sino namang nagsabi sa'yo na nakatitig ako ha?" Dumilat siya kaya nanlaki 'yong mga mata ko. Anak ng!
"See?" Sabay smirk. Ayjusko ano ka ba naman, Stephen!
"Ugh! Hoy kakalingon ko lang no'ng nagsalita ka! Wag ka ngang ano." Tumitig na ko sa kisame.
"I.. actually can understand you. I'm really sorry."
"Nag-usap na tayo diba? Eh bakit ginagawa mo pa din 'to?"
"Start na ba?"
"Ano?" Ngumiti lang siya at pumikit tapos isiniksik niya 'yong mukha niya sa leeg ko. Ugh!
BINABASA MO ANG
You are the one
Любовные романыPaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...