Chapter 93 - Feeling the feeling again

811 14 2
                                    

A/N: Long chapter! :) Isinisiksik ko na dahil hanggang chapter 95 lang so sorry kung medyo mabilis ang pacing. Next chapter may POV na si Stephen so abangan niyo. Hihi. Here's chapter 93 for y'all. Hope you'll like it! :)

Chapter 93 - Feeling the feeling again

[Julienne's POV]

"What? Personal stylist?" Tanong ni Tyrone. Sabay kaming naglunch.

"Hm. Tinanggap ko na. Kasi diba, malaking opportunity nga naman 'yon and makakatulong ding maipromote 'yong brand. Don't worry, okay ako. Eh.. okay lang ba sayo?"

"Why? If it's okay with you then.."

"Tsch. Nagseselos ka ba ha?" Sabay tulak ng noo niya gamit 'yong daliri ko?"

"What?" Natatawa niyang tanong. "No. Alam ko namang okay ka na."

"Of course. Tyrone 5 years ago na 'yon. Saka trabaho lang, walang personalan."

"Sigurado ka bang kaya mo na makatrabaho siya?"

"Oo naman. Kaya ko. Saka, ang laki ng sweldo. 250,000 per month."

"Ugh. Really? Ang laki nga ah. Malaking tulong din 'yon for JRose."

"Kaya nga tinaggap ko na eh. Tutal, okay naman na ko and para sa JRose, gagawin ko na. Alam mo namang gagawin ko lahat para sa pangarap ko eh."

"Yeah. I just really hope it will be fine."

"Okay lang ba talaga sayo? Sorry ah hindi muna ako nagpaalam sayo bago magdesisyon."

"No it's okay. And why do you need to consult me first about that? As long as you're fine about it, why will I forbid you?"

"Huh. You sound like a jealous boyfriend right now." Natatawa kong sabi.

"Ely, hindi naman natin maiiwasan 'yon diba? Kasi alam naman nating lahat kung anong meron sa inyo 5 years ago at kung ano tayong dalawa ngayon. Yeah, siguro may pag-aalala ako ng kaunti about that decision pero alam ko naman na magiging okay ka at wala akong dapat ipag-alala because I know you."

"See? You're jealous."

"Ugh. Okay fine. Whatever Ms. Larosa." Natatawa pa niyang sabi.

"Thank you for trusting me that much, Tyrone."

He smiled.

"Don't worry. Tinanggap ko lang talaga 'yon dahil sa magandang opportunity, wala nang iba. Alam ko na sa umpisa mahihirapan ako pero siguro, makaka-adjust din naman ako."

"Well, good luck."

"'Yang goodluck mo ba.. totoo o may halong.."

"Haha. Ely, please. Sinabi ko nang okay lang. Promise."

"Okay." We smiled.

Nalaman na din nina Eulla at Shane 'yong tungkol do'n at inaasar ako na baka daw magkabalikan pa kami ni Stephen. Duh? May kaniya-kaniya na kaming buhay at imposible na 'yon.

Sinabi ko na din kina Mama at nag-alala sila pero okay lang naman daw dahil kay Mommy Becca. Good luck daw sakin.

Sinabi ko din kay Mommy Becca at natuwa siyang malaman na magkakatrabaho kami ni Stephen. Sana daw maging magkaibigan pa din kami sa kabila ng mga nangyari.

Ngayon ang first day ko as Stephen's personal stylist. Noong nakaraan ako pumirma ng kontrata.

May photoshoot siya ngayong araw at syempre as his stylist ako ang mag-aayos sa kaniya. Bukas naman ang first filming day niya para sa newest movie niya.

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon