Chapter 40 -
[Julienne's POV]
Napahawak ako sa dibdib ko. Kakaiba na 'to.
Nang dumilat siya, nilayo ko agad 'yong tingin ko.
"Tama. Nakakarelax nga talaga."
"Sabi ko sayo eh. Ang sarap tumambay dito maghapon. Kahit wala kang ginagawa, okay lang."
"Tara. Maglakad-lakad tayo do'n sa baba."
Bumaba kami tapos may mga tindahan ng mga souveniers at tumitingin siya do'n.
"Bibili ka ba?" Tanong ko.
"Ano bang gusto mo? Pumili ka na." Wow kakaiba talaga siya ngayon. May kasalanan ba siya at bumabawi siya sakin?
"Talaga? Kahit ano?"
"Oo nga dali na."
Sabi mo eh.
Namili ako ng Tshirt. May nakita akong magandang Tshirt na nagustuhan ko.
"Stephen! Bilhin natin 'to! Tulad tayo ah?" Sabi ko habang nakangiting pinapakita sa kaniya 'yong Tshirt.
"Mas maganda 'to." Sabi naman niya habang pinapakita 'yong Tshirt na hawak niya.
Tinignan ko yung hawak kotapos tinignan ko 'yong hawak niya.
"Eh! Mag gusto ko 'to!"
"Eh di magkaiba tayo ng bilhin."
"Ayoko! Gusto ko parehas tayo para cute."
"Tsc. Sige na nga. Ayan na."
Yes! Ngumiti na lang ako at namili ng iba pa. May bracelets din kaming kinuha.
Pagkatapos naming mamili, naglakad-lakad kami.
"Kapag tinulak kita tapos gumulong ka diyan pababa, anong gagawin mo?" Tanong ko.
"Lagot ka sakin."
"Eh kapag ako naman yung nalaglag?"
"Tsch. Tatawanan pa kita."
"Ugh. Ano pa nga ba? Imposible naman na tulungan mo ko eh. Ganito na lang. Kapag nasa isang bangka tayo. Ako, ikaw at si Clarisse, tapos lumubog 'yong bangka. Sinong una mong ililigtas?"
Baliw ka ba Julienne? Alam mo naman na kung anong sagot, tinanong mo pa.
"Marunong lumangoy si Clarisse."
"Kung gano'n ako 'yong ililigtas mo?"
"Hindi."
"Huh?"
"Una sa lahat, may life vest tayong tag-iisa. Pangalawa, marunong ka din namang lumangoy diba?"
"Takot akong lumangoy kapag hindi ko naaabot yung ilalim. Saka--"
"Hay tama na nga! Ano ba naman kasing klaseng usapan 'to? Bakit naman tayo sasakay sa bangka? tayong tatlo? Tsch. Nababaliw ka na talaga. Tara na"
"Saan?"
"Sa sasakyan. Pakainin na muna natin si Cider."
"Ah. Sige." Nagpunta muna kami sa kotse. Habang kumakain si Cider...
"Sa tingin mo, masaya kaya si Cider sa kinakain niya? Araw-araw kasi gano'n 'yong lasa. Hindi ba siya nagsasawa?"
"Ugh. Ano ba 'yang mga iniisip mo ha? Kung gusto mo saluhan mo siya sa pagkain araw-araw para masagot 'yang tanong mo."
"Ilang beses ka bang iniri ni Tita Becca? Bakit ang sungit sungit mo? Tsch."
"Kahit na masungit ako, gwapo naman ako." Yabang! Binato ko nga no'ng dahon na pinaglalaruan ko.
BINABASA MO ANG
You are the one
RomansaPaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...