Chapter 62 - I don't want you to go
[Julienne's POV]
Dumating na 'yong mga inorder namin.
Natatawa ko sa kaniya kasi nagdadalawang isip siya kung kakainin ba niya o hindi.
Nagtalo pa nga kami kasi nag-iinarte siya. Pero sa huli, kinain na din naman niya.
"Oh diba, masarap?"
"Mahilig ka ba sa mga ganito?"
"Hindi naman masyado. Pero no'ng bata ako, madalas ganito 'yong merienda ko kasi 'yong kapitbahay namin, nagtitinda ng ihaw-ihaw tapos may palamig. Suki na nga ako do'n kaya minsan binibigyan na ko ng discount. Kaya lang no'ng nagkasakit si Aling Mary, tinigil na niya 'yong pagtitinda. Kaya ayun, matagal-tagal din akong hindi nakakain ng ihaw-ihaw. Tapos 'yong isa pa naming kapitbahay.."
Masyado na yata akong naging madaldal dahil nakatingin na lang siya sakin habang nakangiti.
"Ay sorry. Ang haba na ng sinabi ko."
Ngumiti lang siya at kumain na ulit.
Pagkatapos naming kumain, naglakadlakad pa kami. Gusto ko nang umuwi pero ayaw pa niya kaya wala din akong nagawa.
"Lagyan kaya natin ng mga ganitong ilaw 'yong mga halaman do'n sa bahay?" Sabi ko.
"Sige. Lagyan natin."
Tahimik lang kaming naglalakad nang bigla niyang.. hinawakan 'yong kamay ko.
Tumigil yata sa pagtibok ng ilang segundo 'yong puso ko. Hay, Stephen.
Tinignan ko siya. Ngumiti siya sabay sabing,
"I'm allowed to do this. Right, honey?"
Napaubo ako at tumingin sa ibang direksyon.
"Even if I don't want you to leave, I know that you're going to choose your dreams over me."
Napatingin ako sa kaniya.
"It's okay. I understand. I know how much you want to study abroad and reach all of your dreams. I know how much you like to. I want to stop you from going but, who am I to say it? Who am I to command you not to? Your dreams are more important than I am to you anyway, right?"
"Kinokonsensya mo ba ko?"
"What? In what way?"
"Kasi parang sinasabi mo na mas pipiliin ko 'yong mga pangarap ko kaysa sayo eh. Na mas mahalaga 'yon. Na wala kong kwenta kasi mas pinili ko 'yon, na masyado akong ambisyosa dahil ang taas taas kong mangarap. Na--"
"Hey. I never said that. Ikaw 'tong masyadong pinapalawak kung ano man 'yong sinabi ko. Pero totoo naman na mas pipiliin mo 'yon diba? Kasi sino ba naman ako? I'm just a stranger who was just arranged to marry you."
"Uuwi naman ako. Saka, bakit ba ayaw mo na umalis ako?"
"I hate the fact na aalis ka. I already said it before. It feels odd when you're not here."
Humarap ako sa kaniya.
"Bakit? Bakit ka naman maaapektuhan kung aalis ako? Kasi sino ba naman ako? I'm just a stranger who was just arranged to marry you." Ibinalik ko sa kaniya 'yong sinabi niya kanina.
"You want me to say it?"
"Say what?"
Hinawakan niya 'yong isa ko pang kamay at tinignan ako sa mga mata.
"Please don't go. I don't want you to go, Julienne."
Nakatitig lang ako sa kaniya. Ano bang ginagawa niya? Hindi. Hindi ako makikinig sa kaniya.
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...