Chapter 85 - The art of letting go

688 10 5
                                    

Chapter 85 - The art of letting go

[Julienne's POV]

Umalis nga si Stephen dahil may lakad silang magbabarkada. So, ayon, naiwan ako dito kasama ni Cider.

At kapag mag-isa, syempre magdadrama.

"Cider, mamimiss kita. Bantayan mo si Stephen kapag wala na ko dito ah?"

Bigyan niyo pa ko ng ilang araw. Pwede ba? Sandali lang, ikukundisyon ko muna 'yong sarili ko sa araw ng pag-alis ko.

*Dingdong!*

Uy! Doorbell! (Obviously, LOL)

Lumabas ako para buksan.

"Ugh! Ate Diana!"

"Julienne!!" Niyakap niya ko pagkabukas ko ng gate. "OMG! I missed you! It's like I haven't seen you for years!" Ilang linggo lang 'yon ah.

"Pasok po."

"Hm. Si Stephen?"

"Wala po siya eh. May lakad sila ng barkada niya."

"Oh really? So he left you here?"

"Opo. Eh ayoko din naman pong sumama sa kanila." Saka hindi naman niya ko niyaya.

"Upo ka muna Ate Diana."

"Okay."

Gumawa ako ng sandwich at juice at ibinigay sa kaniya.

"Ate oh."

"Oh! Thanks!"

"Bakit naman napadalaw ka bigla?" Sabi ko pagkaupo ko sa harap niya.

"Wala lang. I just want to."

"Buti na lang din po na dumalaw ka ngayon kasi wala akong magawa dito eh."

"I guess tama lang na bigla kong naisipang pumunta. Sayang, wala si Stephen. So, kamusta naman kayo?"

"Ah.. haha. Okay naman. okay na okay naman po kami."

"Really? That's good to hear! Eh how about the.. oplan fall for--"

"Ugh. Oo nga pala. Nakalimutan ko na 'yon ah."

"Oh? What happened? Success ba?"

"Success? Ha-ha-ha. H-hindi po."

"What?! Why?!"

"Ah.. kasi.. ugh. Pa'no ko ba uumpisahan."

"Why?"

"Kasi ate, mukhang.. malabo talaga 'yon eh."

"It's.. still about that girl the he's obsessed with, right?" Obsessed talaga?

Tinignan ko lang siya na parang nagtatanong.

"Clarisse, right?"

"Ah.. kasi, ate Diana.. mahirap nang, baguhin 'yon eh. Nauna naman talaga siya. So paano ko naman--"

"No. This can't be! We need to something!"

"Ate Diana, 'wag na."

"What? What do you mean na 'wag na? You'll just let him be with that girl? Na kahit ikaw ang asawa niya, okay lang sayo na walang feelings? Akala ko ba--" Napatigil siya nang makita niya na ngumiti ako. "What? Why?"

"Okay lang, ate." I smiled.

"What?! Are you alright?! Ohmygod, no. Hindi ako papayag."

Natawa na lang ako dahil sa expression niya pero mukha talagang seryoso siya. Haha! Hanggang ngayon para pa din siyang fairy godmother.

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon