Chapter 60 - Clingy

313 8 0
                                    


Chapter 60 - Clingy

[Julienne's POV]

Isang oras pa yata akong namula, kinilig at naloka bago makatulog kagabi. Paano ba naman, ang weird niya, nakakatakot.

Hindi ko alam kung anong nakain niya o may masama ba siyang binabalak pagkatapos nito.

Pagdilat ko ng mga mata ko, nakayakap pa din siya sakin. Ang sarap niyang titigan. Hay, Stephen. Kung alam mo lang.

Medyo nawe-weirdohan ako sa mga kinikilos niya pero sa totoo lang, masaya ko na ganito siya sakin. Kasi alam kong minsan lang 'to. Baka isang araw bigla nanamang dumating si Clarisse sa eksena. Kaya naman, sige na. Sige na nga, ieenjoyin ko na lang 'to habang ganito pa siya.

Napansin ko na padilat na siya kaya pumikit ulit ako at nagpanggap na tulog.

Hinawakan niya pa 'yong buhok ko bago bumangon. Dumilat ako ng kaunti at may hinahanap siya sa cabinet at may sinulat. Ano 'yon?

Pumikit ulit ako at nang maramdaman kong lumabas na siya, saka ulit ako dumilat at bumangon.

Nakita kong may nakadikit na sticky note sa may lampshade.

"Good morning, honey! :) Ako nang magluluto ng breakfast. :)"

Napangiti ako. Anak naman ng tinapa Stephen oh! Gusto ko na ngang lumayo para mawala na 'yong feelings ko sayo na alam kong wala namang pag-asa tapos ganyan ka? Pa-fall ka rin eh no?!

At teka lang ah, bakit ba tinatawag niya kong honey?! Bubuyog ba siya?!

Nag-ayos muna ko bago bumaba.

"Good morning honey!" Bungad niya pagkakita pa lang niya sakin. Ngumiti lang ako at naupo.

Sino ba naman ang hindi gaganda ang umaga kung sa paggising mo siya 'yong unang makikita?

Naka-puting tshirt siya at naka-blue na apron.

"Kamusta? Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Hm. Gusto mo bang tulungan na kita diyan?"

"Wag na. Umupo ka na lang diyan."

"Pero gusto ko! Diba mas maganda kung dalawa tayong nagluluto?"

"Wag ka na ngang makulit diyan alien."

Pero dahil makulit ako, kinuha ko 'yong pink na apron at lumapit sa kaniya.

"Julienne, sinabi na ngang--"

Nginitian ko lang siya at kinuha na 'yong ibang gamit tapos tinulungan ko na siyang magluto.

Gumagaan nanaman 'yong pakiramdam ko. Imbis na lumayo, lalong lumapit. Nakakainis. Nahuhulog nanaman ako eh.

Ang saya pala ng ganito. Pakiramdam ko mga bagong kasal kami na bagong lipat at unang umaga na magkasama sa iisang bahay.

"Tikman mo." Pinatikim niya pa sakin 'yong fried chicken. "Okay?"

"Okay!" Sabi ko na may kasama pang thumbs up tapos ginulo niya 'yong buhok ko.

Sana ganito na lang kami.

Pagkatapos no'n, syempre kumain na kami.

"Honey."

"Hm?--" Teka bakit naman ako sumagot nang tawagin niya kong honey?! Tumawa pa siya!

"Kita mo na? Kaya ko din naman diba?"

"Ano? Ang alin?"

"Na alagaan ka. Na, pasayahin ka."

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon