Chapter 27 - Ugly duckling
[Julienne's POV]
Pagkamulat pa lang ng mata ko, boses na agad ni Stephen ang naririnig ko.
"Hoy baka nakakalimutan mong ngayon na 'yong photoshoot."
"Photoshoot? Anong--Ugh!" Napabangon ako bigla ng kama. Oo nga pala!
"Teka. Bakit ba ang aga-aga nandito ka nanaman sa loob ng kwarto ko?"
Tumingin ako sa phone ko at five minutes pa bago mag-alarm. Anak ng! Sayang 'yong natitirang five minutes!
"Mag-ayos ka na. 9AM kailangan nandoon na tayo sa studio."
"Ha? 9AM? May pasok tayo ngayon ah!"
"Stupid. Alam ko! Pero magpapaexcuse tayo para dito. Bilisan mo na diyan." Tapos naglakad na siya palabas. Ugh. Hindi na ko nakapagpasalon!
Tinignan ko 'yong mukha ko sa salamin. Naku buti na lang ay make up artist!
Nagsabay na kami sa almusal tapos 9AM nga, nakarating kami sa studio.
"Tandaan mo, wag kang sasagot ng kung ano-ano sa mga itatanong sayo."
"Oo alam ko naman 'yon no! Ipapahiya ko ba 'yong sarili ko? Tsch."
"This way po." Sabi no'ng assistant tapos pinapasok niya kami sa dressing room at sinimulan nang ayusan.
"Wow miss Julienne, I have heard a lot about you. You really look beautiful! Talagang bagay kayo ni sir Stephen."
"Talaga? Ugh. Hindi mo naman kailangang mambola."
"Naku miss Julienne, alam mo bang maraming babae ang inggit na inggit sayo?"
"Ugh. Kung alam lang nila--" Napatingin ako kay Stephen na busy sa pagbabasa ng magazine habang inaayusan. "Ah ibig kong sabihin, kung alam lang nila kung gaano kabuting asawa si Stephen, lalo silang maiinggit." Sabay fake smile tapos nagkatinginan kami ni Stephen at nagsmirk siya. Nginusuan ko lang siya. Tsch.
"Oh! Hi! Good morning Mr. and Mrs. Prieto! Thank you for accepting our invitation!" Mukhang siya 'yong director ng shoot at interview na 'to.
"Hi Julienne! I'm Ms. Sandra. It's nice to finally meet the girl who captured Stephen's heart!"
"Po? Ah.. nice to meet you din po." Sabay ngiti. Captured.. ano daw?!
"Siguro talagang mabait ka dahil nagustuhan ka ni Stephen." Sabi niya na may pagkasarcastic. Wow. Mabait? So..'yon lang? Parang sinabi niyang walang ganda ah. Tsch.
Ngumiti na lang ako. Nagets ko 'yon ah!
"So, how are you Stephen? It's our third shoot together, right?"
"Hm. I'm fine. Salamat sa pag-invite mo samin."
"Ano ka ba, wala 'yon. Alam mo namang ikaw ang paborito ko sa lahat ng models na nakatrabaho ko, hindi ba?"
Ngumiti lang si Stephen. Wtf. Mukhang type ng babaeng 'to si Stephen ah! Tsch. Hindi din naman siya kagandahan no!
Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kaniya sa malaking salamin na nasa harap ko tumingin din siya sakin at ngumiti na lang.
"Oo nga pala, where's Clarisse? Is she up to something? Mukhang busy siya. Madalang ko kasi siyang makita."
"I guess so." I guess so. Tsch.
"Hay ang ganda-ganda talaga ng babaeng 'yon! Bagay na bagay nga kayo eh. Akala ko nga kayong dalawa ang magkakatuluyan. Sayang."
"Really?" Emotionless na sagot ni Stephen habang nagbabasa ng magazine.
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...