Chapter 52 - The drunk world
[Julienne's POV]
Kinabukasan.
"Totoo kaya 'yon?"
"Baka? Eh kasi dahil sa issue na 'yon, hindi malabong mangyari nga 'yon."
May bago nanaman silang pinag-uusapan. Wala akong idea kung ano 'yon.
"Kawawa naman siya. Alam mo dapat sa mga babaneg kagaya ni Clarisse, pinakukuluan ng buhay eh."
Ano nanaman kayang kinagagalit nila ngayon?
"Dahil sa kaniya, maghihiwalay tuloy sila. Tsk tsk."
Ano? Sinong maghihiwalay? Napatingin ako sa kanila.
"Julienne!"
"Buti naman dumating ka na! Tara!" HInila nila kong dalawa papasok sa classroom. Ano nanaman bang meron at parang natataranta pa sila?
"Totoo ba?" -Eulla
"Ang ano?"
"Na.. maghihiwalay na daw kayo ni Stephen." -Shane
"Ano?! Saan niyo naman nalaman 'yon?" Saang lupalop naman nila nalaman 'yong tsismis na 'yon?!
"May lumabas na panibagong article. Hindi mo pa ba nababasa?" -Eulla
"Nanaman?"
"Oh." Inabot sakin ni Shane 'yong phone niya at pinabasa sakin 'yong article.
'Is Julienne and Stephen Prieto will get an annulment?'
Wow saan nila napulot 'to?
'There are rumors that Stephen and his wife, Julienne are planning to get an annulment after the issue about Stephen being unfaithful to his wife went viral.'
Hindi ko na tinapos. So ayun, sinabi din nilang 'rumor' lang. Pwe.
"Ano ba? Naniniwala ba kayo diyan?"
"Kung gano'n, hindi totoo?" -Eulla
"Oo. Tsismis lang 'yan. Hangga't wala akong sinasabi sa inyo tungkol diyan, 'wag kayong maniniwala sa mga walang kwentang tsismis na ikinakalat ng mga writer na walang magawa kundi magpapansin."
"Buti naman. Akala kasi namin gano'n na kaseryoso 'yong away niyo." -Shane
"Seryoso naman 'yong away namin 'no. Hindi 'yon joke. Pero.. hindi naman aabot sa point na, mag-aannul kami agad-agad. Wag nila kaming igaya sa mga celebrity couples na masyadong papansin. Saka, bakit ba masyado nila kaming pinapakialaman? Nakakainis na."
"Oo nga pala, nakita namin siya kahapon ah. Sinundo ka ba niya?" -Eulla
"Nakita ko din siya. Pero syempre galit ako sa kaniya kaya di ko siya nilapitan. Isa pa hindi ko naman sigurado kung ako ba talaga yung iniintay niya."
"Tinanong niya kaya kami kung nakita ka namin." -Eulla
"Talaga?"
"Hm. Pero syempre dahil alam naman naming magkaaway kayo, nagkibit balikat na lang kami." -Shane
"Inggit na inggit nga 'yong mga babae do'n kasi kinausap niya kami eh." -Eulla
"Alam mo kung hindi mo nga lang asawa 'yang si Stephen, baka kasama kami ni Eulla na naghahabol at tumitili sa tuwing nakikita siya."
"Kaya naman hindi ka rin namin masisisi kung bakit na-inlove ka na sa kaniya."
In-love? Anong in-love? Sinong in-love? Pwe!
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...