Chapter 24 - Day 2
[Julienne's POV]
Anak ng tokwa naman oh. Nakaupo na lang tuloy ako at hanggang ngayon natutulala.
"Hoy."
"Ano?" Lumingon ako.
"Anong iniisip mo diyan ha?"
"Wala ka na do'n."
"Teka. Wag kang mag-isip ng kung ano tungkol sa ginawa ko. Ginawa ko lang 'yon kasi kapag nakita ka nila, aasarin ka nila. Gusto ko ako lang 'yong mang-aasar sayo."
"Ano?! Hoy wag ka ngang feeler diyan! Para sabihin ko sayo hindi 'yon 'yong iniisip ko!"
Nagsmirk lang siya tapos kumagat ng barbecue.
Ang presko talaga. Minsan hindi ko na talaga siya maintindihan eh. Ang hirap basahin kung ano talagang iniisip niya.
"Julienne!" Tawag sakin ni ate Diana tapos umupo siya sa tabi ko.
"You know what, I really think may possibility na magtagumpay tayo sa plano natin."
"Ate, plano mo lang 'yon. Hindi 'natin'."
"Kasi alam mo, bagay kayong dalawa eh. Sa tingin ko naman, nagkakasundo na kayo ngayon."
"Bagay kami? Tss. May.. ibang babaeng mas bagay sa kaniya."
"Hay Julienne, bakit ba kasi ganyan ka? You always look down on yourself. Kung hindi ka magtitiwala sa sarili mo, sino pang gagawa no'n?"
"Totoo naman po kasi 'yon. May babaeng mas maganda, mas matalino at kung ano pang 'mas' kaysa sakin. I will never be enough for him."
"Gusto mo na ba siya?" What the--
"PO?!"
"It's okay. I know he's really someone na imposibleng hindi magustuhan ng mga babae--"
"Ate seryoso ka ba diyan? Sa sama ng ugali niyang pinsan mo, sa tingin mo lahat magkakagusto sa kaniya?"
"Why?"
"Okay sige. Sabihin na nga nating gano'n na nga. Pero hindi ako isa sa mga babaeng 'yon, okay?"
"Hindi mo ba talaga siya magugustuhan?"
"Hindi. Ayoko."
"Ayaw mo?"
"Ahh.. hehe. I mean, ayoko kasi sa kaniya."
"Bakit naman? Ano pa bang hahanapin mo sa pinsan ko?"
"Hay basta ate. Hindi ko kayang ipaliwanag."
Bakit ba kasi pinipilit niya na magkagusto kami ni Stephen sa isa't-isa? Alam naman niyang si Clarisse ang gusto ni Stephen eh.
"Oh anong pinag-uusapan niyong dalawa diyan?" Lumapit si Lola Lalie.
"Oh hi Lola! Wala naman po kung ano-ano lang." Sabi ko.
"So, how's the vacation so far, huh Julienne?"
"Naku masaya po talaga! Narerelax talaga ko sa mga ganitong klaseng lugar."
"That's good to hear." Ngumiti siya at naglakad naman palapit kina mama na kumakain din.
"Ay oo nga pala. May nightlife din dito. Mahilig ka ba sa mga gano'n?"
"Ha? Ah.. hindi po. Hindi naman kasi ako madalas magpunta sa mga gano'n."
"Hay nako, sigurado akong mag-eenjoy ka dito. Marami kang makikilala."
BINABASA MO ANG
You are the one
RomantikPaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...