Chapter 91 - Welcome back

637 10 3
                                    

Chapter 91 - Welcome back

[Julienne's POV]

"Welcome back." Sabi ni Tyrone habang naglalakad kami palabas ng airport.

"Yeah. Welcome back, Julienne." Natawa siya. Wow. Nakakapanibago ah.

Pagkatingin ko sa kanan ko--wow. Sinasalubong din ba niya ko? Bakit may poster si Stephen dito? May commercial din siya sa screen. Wait, nag-artista na siya?!

Wow, ganoon na nga siguro ako katagal na nawala. Bakit hindi naman nababanggit ni Tyrone sakin? Kahit ni Mommy Becca, Mama, at Eulla? Siguro dahil alam nila na ayokong pag-usapan? Baka.

"Okay ka lang?"

"Huh? Ah.. oo. Bakit?"

Napansin din niya 'yong poster.

"Ah. Ayan ba? Bago pa man grumaduate si Stephen, kinuha na siyang artista at nagtuloy-tuloy na. Isa siya ngayon sa mga sikat dito. Heartthrob na nga eh. Busy na at halos di na makita ng barkada."

"Ahh."

"Hindi ko na binanggit sayo 'yan kasi alam ko naman na ayaw mong pag-usapan. Pero ngayong nasa Pilipinas ka na ulit, hindi malabo na one day, magkasalubong kayo."

"Alam ko. Pero.. wala na 'yon sakin ngayon. 5 years ago na 'yon 'no. Tara na."

Dumiretso kami sa bahay na pinagawa ko. Dito na ko tutuloy pati na din sina Mama, Papa at Kuya. Oo nga pala, three months bago ako umuwi dito, may pinakilala nang girlfriend si kuya. Si Ate Stella.

Anyway, ayun, nag-ayos lang ako ng gamit tapos pumunta na kami ni Tyrone kina Mama. Hindi nila alam na uuwi na ako ngayon. I'm sure masusurprise sila.

Pagkababa namin ng sasakyan, nagtinginan kami at ngumiti.

"Sige na." Sabi niya.

Naglakad na ko at kumatok.

Pagkabukas ni Papa ng pinto.

"Ely?"

I smiled.

"Pa, kamusta na?"

"Ely!" Niyakap niya ko at naiyak na. Hay grabe, hindi ko na macontain 'yong emosyon ko dahil sobra ko silang namiss!

"Francis, sino 'yan--Jusko. Ely? Ikaw na ba 'yan?"

"Ma."

Lumapit din siya at nagyakap kami. Maya-maya pa, dumating na din si kuya.

"Halika. Pasok, pasok kayo." Nagmano pa si Tyrone sa kanila.

"Naku anak! Grabe parang ang laki ng pinagbago mo ah! Ang ganda ganda mo na! Mula ulo hanggang paa, ibang Ely na 'yong nakikita ko." -Mama

"Ma, ako pa din naman 'to. Medyo. nageffort lang ako sa pananamit. Kasi, fashion designer na ko eh. Hahaha."

"Nasorpresa talaga kami sa pagdating mo ah! Kamusta?" -Kuya

"Ayos lang. Masaya na.. natutupad ko na unti-unti 'yong mga pangarap ko tappos.. sa wakas, nakauwi na din ako. Kuya, you better introduce your girlfriend so I can see if she suites you or not."

"Wow umi-english ka na. Yes, Ma'am. Ikaw pa."

We smiled.

"Tyrone, salamat sa pagsama sa anak ko sa limang taon na nandoon siya." -Papa

"Wala po 'yon."

"Alam mo talagang, malaki din ang naitulong mo kay Ely. Mabait na bata ka talaga hijo. Salamat. So, kailan naman ang kasal?" -Mama

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon